• Home
  • Fresh Scoops
  • Erik Santos at Yeng Constantino, first time magsasama sa isang concert

Erik Santos at Yeng Constantino, first time magsasama sa isang concert

Makakasama rin nina Erik Santos at Yeng Constantino bilang guest performers ang Pinoy acapella group na Pinopela.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/13/2019 10:20 AM
Erik Santos at Yeng Constantino, first time magsasama sa isang concert


Sa unang pagkakataon, magsasama sa isang engrandeng concert ang dalawa sa mga Tawag Ng Tanghalan judges na sina Erik Santos at Yeng Constantino. Sa press conference na naganap noong Biyernes, May 10, masayang ibinahagi ng dalawa ang inspirasyon sa pagbuo ng collaboration concert na ito.

"Siguro yung pagsisimula ng ideya ng concert na ito ay nanggaling sa genuine na pagkakaibigan [namin] which is matagal nang na-develop," sabi ni Yeng.

Para kay Erik, ang pamagat ng concert na ExtraordinarY ay mula sa matibay nilang relasyon bilang magkaibigan. 

"May theme kami, ExtraordinarY and I think aside from sa music namin, our friendship, [will] make the concert extraordinary.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Bukas nasa Umagang Kay Ganda kami ni Erik! ❤️ Nuod kayo! 😍

A post shared by Yeng Constantino (@yeng) on

 

READ: Erik Santos, Yeng Constantino nag-react sa issue tungkol sa ‘pagkakatunog’ng mga baguhang singer

Parehas na nagmula sa dalawang magkaibang TV singing competition sina Erik at Yeng. Taong 2003 nang itanghal bilang Grand Champion ng Star in a Million si Erik, habang si Yeng naman ay nanalo bilang Grand Star Dreamer sa unang season ng Pinoy Dream Academy, noong 2006.

Bilang may magkaibang genre ng musika, magiging unexpected ang mga performance nina Yeng at Erik. 

"Yun ang nakakatuwa doon e. Kasi hindi siya expected pero ang sinasabi ko kanina, every time na mabibigyan kami ng pagkakataon ni Erik mag-duet sa ASAP, sa guestings, there's just something about chemistry—I think chemistry namin as singers talaga," ani Yeng.

Samantala, ibinida rin ng dalawang Kapamilya singers ang Pinoy acapella group na Pinopela na ayon sa kanila ay may malaking parte sa kanilang concert.

Magaganap sa Resorts World Manila, Newport Performing Arts Theater, sa May 22, 2019 ang naturang concert. Ito ay ididirek din ng kapwa kaibigan ng dalawa sa showbiz na si John Prats.