Erich Gonzales reveals her top 3 leading men

Habang naglalaro ng Whisper Challenge kasama si Enchong Dee, ibinahagi ni Erich Gonzales ang top three na leading man niya.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/13/2019 10:06 AM
Erich Gonzales reveals her top 3 leading men


Photo credit to the owners

Sumabak sa Whisper Challenge sina Erich Gonzales at Enchong Dee sa pinakabagong vlog upload ng aktres. 

Habang ine-enjoy ang pag-inom ng wine, nakakatawang naglaro ang dalawa at pinahula sa isa't-isa ang mga katagang, “Kumo-konti na lang ang buhok mo,” “Ang lakas magpawis ng kili-kili mo,” at iba pa.

Sa naturang video din ay pahapyaw na tinanong ni Enchong si Erich kung kailan ulit siya mapapanuod sa isang teleserye. "Oo malapit na, may ginagawa kaming teleserye ngayon," sagot ni Erich.

Nang tinanong naman ang aktres kung sinu-sino ang top three leading men niya, inuna niya sa listahan si Enchong, sumunod si Mario Maurer, ang naging katambal niya sa pelikulang Suddenly It's Magic noong 2011, habang pumangatlo naman si Ejay Falcon, na una niyang nakasama sa teleseryeng Katorse noong 2009.

"Ikaw, si Mario (Maurer), kasi funny funny siya. Tsaka yung pang top 3, isama natin si Falcon (Ejay), in fairness naman si Falcon talaga," ani Erich. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Endorsement shoot ♡ @originalcake.ph

A post shared by Erich Gonzales (@erichgg) on

Panuorin ang buong video dito:

Nitong Abril ay inanunsyo ni Erich ang bagong pagbibidahang teleserye na Love Thy Woman, kung saan ay makakasama niya sina Kim Chiu, Xian Lim, Christopher de Leon, Eula Valdez, Sunshine Cruz, Zsa Zsa Padilla, at Ruffa Gutierrez.