• Home
  • Fresh Scoops
  • Barbie Imperial, hindi pa din handa makipagkaibigan kay JM De Guzman

Barbie Imperial, hindi pa din handa makipagkaibigan kay JM De Guzman

Idiniin din ni Barbie Imperial na hindi naging sila ni JM De Guzman.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/13/2019 11:31 AM
Barbie Imperial, hindi pa din handa makipagkaibigan kay JM De Guzman


Photo credit to @msbarbieimperial and @1migueldeguzman IG

Aminado si Barbie Imperial na matagal talaga siya bago tuluyang magpatawad at makalimutan ang masamang ginawa sa kanya ng isang tao. It applies din daw sa naging sitwasyon nila ni JM de Guzman.

“Ay sobra, matagal talaga. Dati naman hindi, pero na-realize ko na pag nakikita ko sila hindi pa pala ako healed. So sinimulan ko po na parang kapag hindi pa naman po talaga time na maging okey, wag na lang muna.

“Kasi parang iba yung feeling, parang sinabi mo lang na okey na para masabi na okey na. Ayoko ng pinipilit. Gusto ko na kaya ko siyang kausapin, kaya ko siyang tingnan sa mata, na okey na talaga kami.

“Tsaka para alam niya rin na every time na iniisip niyang gumawa ng masama, hindi yon ganun kadaling makipag-ayos,” katwiran ng dalaga na kapartner noon ni JM sa Araw Gabi TV series ng ABS-CBN.

Gaano ba katindi ang ginawa ni JM sa kanya para magalit siya dito nang todo?

“Hindi naman… hindi naman sa… Mahirap kasi, eh. Basta masama,” lahad niya.

Dugtong ni Barbie, “Ako naman, aminado naman ako na hindi naman ako naging perfect na ano sa kanya. May mga nagawa din naman akong…”

Iginiit din ni Barbie na hindi talaga naging sila ni JM kahit marami ang nakapansin sa kakaibang closeness nila noon.

“I swear, hindi po talaga,” diin niya.

“Sinubukan po namin, pero siyempre, hindi ko naman puwedeng… hindi naman po ako puwedeng umoo dahil lang in love kami. Kailangan din siyempre na parang swak kami sa isa’t isa, lalo sa akin, parang gusto ko lang na pag boyfriend talaga tumatagal naman.

“Hindi yung parang alam ko na malabo, na gusto ko lang magka-label, hindi ako ganun,” sabi ulit niya.

Nanghinayang ba siya na hindi naging sila ng aktor?

“Hindi, eh. Kasi I believe na minsan kaya nilalayo ni God ang isang tao or opportunity sa atin kasi sine-save niya tayo,” tugon niya.

“Ibig sabihin, hindi para sa atin yung tao o yung bagay na yon. So ako, lahat ng nangyari sa life ko, ang dami ko na pong pinagdaanan na masakit, kumbaga para sa akin wala pa yon. Okey ako, super happy po,” dagdag pa niya.