• Home
  • Fresh Scoops
  • Role ni Lorna Tolentino sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ na-extend?

Role ni Lorna Tolentino sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ na-extend?

Aminado si Lorna Tolentino na marami na ang naiinis sa kanya ngayon.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/12/2019 11:51 AM
Role ni Lorna Tolentino sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ na-extend?


Happy and proud ang aktres na si Lorna Tolentino bilang bagong brand ambassador ng Beautederm corporation.

Sa naganap na launching, masayang ibinahagi ni LT ang kanyang role sa tumitinding tagpo sa FPJ’s Ang Probinsyano kung saan gumaganap siya bilang si Lily.

 

 

“I’m so happy na naisip ni Coco (Martin) na isali ako sa Ang Probinsyano na hindi mo mawaring karakter. Hindi mo maintindihan kung kanino ba siya pumapanig,” tugon ni LT sa press.

Aniya, ibang kasiyahan ngayon ang kanyang nararamdaman dahil sa sunud-sunod na proyekto na dumarating sa kanya ngayon, mula sa kanyang endorsements hanggang sa mga TV project.

“Siyempre maligaya ako. Kasi very interesting ang role. Bilang artista, lahat naman ata ‘yun ang gusto na magkaroon ka ng role na isang witty na role,” sabi pa niya.

Dito, ikinuwento din niya ang isa sa mga hindi niya inaasahan ang pagmamahal at supporta sa kanyang naka-iinis na karakter bilang si Lily.

“Nagstart ako ako ng March 1, (supposedly one month only) pero masyado ata sila naiintriga sa character, ayun parang nagkakaroon ng madaming ideas, lalo na si Coco (Martin) na parang ‘Direk, parang gusto ko ito ang mangyari kay Lily (Lorna’s Character).’ Tinatanggap naman namin lahat lalo na ‘yung ibang actors,” sabi pa ng aktres.

Patuloy pa ni LT, “Ang idea ko ngayon, ang lahat (viewers) gusto nang patayin si Lily (laughs),” maaga ng tugon niya.

At kung tatanungin kung hanggang kailan siya mapapanuod sa Probinsyano, ayon kay LT, “Actually, ilang araw palang, pinapirma na ako ng contract na a-abot hanggang September,” pahayag pa ni Lorna.

Sa ngayon, gabi-gabing makakasama si Lorna bilang si Lily sa tumitinding mga tagpo sa Ang Probinsyano.