• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Maegan Aguilar, inilarawan ang bagong buhay bilang isang Muslim

EXCLUSIVE: Maegan Aguilar, inilarawan ang bagong buhay bilang isang Muslim

Maegan Aguilar, tinalikuran na ang mundo ng showbiz?

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/12/2019 10:38 AM
EXCLUSIVE: Maegan Aguilar, inilarawan ang bagong buhay bilang isang Muslim


Hindi namin kaagad nakilala ang singer na si Maegan Aguilar, anak ng OPM icon na si Freddie Aguilar, nang makausap namin siya kamakailan. Nakasuot kasi siya ng shahada na tanda ng kanyang pagiging Muslim.

From being a Catholic, nagpa-convert na raw siya sa Islam simula pa noong September 2018.

Well, as you can see I’ve changed my life. Some may say it was a drastic move but in my personal choices, personal phase of life, I entered Islam wholeheartedly.

“Buong-buo yung pasiya ko. Buong-buo yung desisyon ko. Striving to have quiet life, yon yung naging path ng buhay ko—to strive for something quiet rather than sticking it out in showbiz na masyadong competitive. I didn’t want that life for me and especially for my children. I wanted it to be more normal, parang ganun,” simulang kuwento niya sa PUSH.

Isa raw sa malaking influence kung bakit niya in-embrace ang pagiging Islam ay ang kanyang tatay.

Actually, si tatay yung malaking influence ko kasi seven years na siya, eh. Nakita ko, nagbago si tatay, naging mas mabait na ama. Kung dati para siyang bato na ayaw umiyak, ayaw maka-feel ng panghihina, nabago yon.

“So, nakita ko sa kanya yung mga changes na I wanted also for myself,” she said.

Maging ang bagong asawa ngayon ni Maegan ay isang Muslim din. Ikinasal ang dalawa noong December 21, 2018.

Isang Islamic debater and propagator named Bashier Sacaguing ang bagong asawa ni Maegan. Bashier is also a broadcaster with CBS DWAD 1098.

Ibinahagi rin ni Maegan sa PUSH kung paano sila nagkakilala ng kanyang Muslim husband.

“I remember the day we first met. It was at the crack of dawn during the very first Islamic Medical Mission I volunteered in.

The serendipity moments happened in Ticao Island, Masbate, 6th October 2018. And soon after seeing each other in other Islamic gatherings, ayun namanhikan na siya kay tatay, asked for my hand in marriage and tied the knot of ‘Nikkah’ (Islamic marriage).

“I became Mrs. Bashier Sacaguing on 21st December 2018,” lahad pa ng singer.

Hindi rin daw naging isyu sa kanyang kanyang husband ngayon ang pagiging divorced niya sa unang asawa at pagkakaroon ng mga anak.

“Sa Islam kasi, hindi tulad sa ibang relihiyon na pagka may anak ka na parang mahirap ng mag-commit sa yo kasi nga you have a past, parang ganun. In Islam, the most important and valuable women to marry are the divorced or the widowed. That is the priority, the best qualities for marriage in Islam.

Why? Because a single mom or a single woman she needs help, di ba? She needs someone to lean on when she feels helpless. That is the wisdom behind why yung mga tulad ko is like a priority to be wed in Islam,” paliwanag ni Maegan.

Sa Pink Bird na isang Korean restaurant on Scout Borromeo namin nakausap si Maegan. Nagtatrabaho siya doon bilang Marketing Manager. Part-owner din silang mag-asawa ng naturang resto kung saan nagti-taping regularly ang Kadenang Ginto.

Tatalikuran na ba niya ang pagkanta?

“Masaya yung parang malayo ka sa hahanap ng kapintasan mo. Malayo ka sa walang gagawin kung di bigyan ka ng negative energy, ganun.

But my husband is very supportive. Ang Koran kasi, kailangang inaawit yan para ma-recite, eh. So yon ngayon yung inaaral ko, parang bagong knowledge.

“Kasi sinusubukan kong i-apply yung kaalaman ko sa musika para maka-recite ako ng Koran. So, sooner or later, we don’t know, I might be something that is praising Allah’s name,” pahayag pa ni Maegan sa PUSH.