Barbie Imperial, ibinlock ang number ni JM De Guzman

Ayon kay Barbie Imperial, si Ara Mina ang kanyang takbuhan tuwing malungkot siya.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/12/2019 10:50 AM
Barbie Imperial, ibinlock ang number ni JM De Guzman


Photo credit: @msbarbieimperial and @1migueldeguzman on Instagram

Present si Barbie Imperial sa 40th birthday bash ni Ara Mina dahil ayon sa dalaga, parang ate na niya ang aktres na nakasama niya sa Precious Hearts Romance: Araw Gabi series ng ABS-CBN.

Mommy ko siya don pero ate ang tawag ko sa kanya. Actually, parang totoong ate ko na siya talaga,” kuwento ni Barbie sa amin nang makorner namin siya sa birthday party ni Ara Mina kamakailan lang.

Patuloy niya, “Sana huwag siyang magbabago kasi sobrang bait niyang tao talaga as in. Takbuhan ko talaga siya pag malungkot ako. Masaya ako.

“Yung mga projects ko, lagi ko siyang tinatawagan. ‘Ate Ara, alam mo ba, ganito-ganyan. Ito yung gagawin ko next.’ So yon, wish ko sa kanya na huwag siyang magbago.

“Sobrang sweet niya kasing tao. Sobrang loving, lahat-lahat, so sana ganun na lang siya forever.”

Birthday wish ni Barbie sa Ate Ara niya na magkaroon na ito ng love life.

“Sana po. Sana magkaroon na siya ng love life, magkaroon ng boyfriend na mamahalin siya,” lahad ng dalaga.

Aminado rin si Barbie na halos lahat ng sikreto niya ay alam ni Ara. Ang aktres nga raw ang takbuhan niya kapag may mga hugot siya sa buhay.

Hindi ba siya kinakabahan na alam ni Ara ang kanyang mga sikreto sa buhay?

“Hindi naman po. Kasi ako naman, wala naman akong sobrang duming sikreto, siyempre.  Mga ano lang, mga hugot in life.

“So, ako naman pag lumabas naman yung mga secret na ganun, mas gusto ko din siyang sagutin talaga. Ako kasi yung makokonsensiya mismo, eh, pag magsisinungaling ako.

“Iba na kasi mga tao ngayon, eh. Sobrang talino na. Ramdam na nila kung pinipeke mo or hindi. Mas okey na maging honest ako kaysa mahalin ako ng mga tao na hindi naman ako yon,” paliwanag niya.

At ang pagiging honest na yon ni Barbie ay na-witness din ng mga tao nang mag-guest siya kamakailan sa Tonight With Boy Abunda lalo na sa tinuran niya na “one a liar, always a liar” na halatang ang tinutukoy ay si JM de Guzman.

Hindi ba siya tinext ng aktor about it?

“Naka-block,” diretsong sagot ni Barbie. “Matagal naman na po, pero para sa akin kasi, kung ite-text ako ng ganun, alam ko namang wala akong kasalanan, ayokong magsalita ng masama, eh.

“So para sa akin block na lang kita para kahit anong sabihin mo sa akin hindi na ako makakasagot sa ‘yo. Kasi ang tao, ‘di ba po kapag galit nakakapagsalita ng masama. So ako, ayokong nagsasalita talaga ng masama, eh, so block na lang,” paliwanag ni Barbie.