• Home
  • Fresh Scoops
  • Anton Diva, pinasalamatan sina Vice Ganda at Regine Velasquez

Anton Diva, pinasalamatan sina Vice Ganda at Regine Velasquez

Inaabangan ng karamihan ang special participation nina Vice Ganda at Regine Velasquez sa ‘Shine’ Concert ni Anton Diva.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/12/2019 11:08 AM
Anton Diva, pinasalamatan sina Vice Ganda at Regine Velasquez


Photo credit to: @reginevalcasid IG (L) and @praybeytbenjamin IG (R)

Todo paghahanda ngayon ang singer-performer na si Anton Diva para sa kanyang upcoming Shine concert na gaganapin ngayong June 15 sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Dito, ibinahagi ni Anton na kahit na isa nang singer, muli siya ng nagbalik loob sa kanyang voice coach para hasain muli ang kanyang boses.

“Preparation wise, bumalik ako sa voice lesson. (Why?) kasi medyo matagal tagal na din kasi ako hindi nag-mount ng ganitong klaseng mga concert, para sa boses ko din baka mamaya masira ang concert or pumalya, e hindi naman pwede,” aniya sa panayam ng press.

Dagdag pa ni Anton, asahan ang pasabog na production numbers na labis niyang pinaghandaan. “I’m not young anymore, hindi ko na kaya ‘yung kayang gawin ng mga 27 years old. I’m 42 already this June, so I have to be physically fit and my voice should be in perfect condition,” sabi pa niya.

Sa usapin ng kanyang edad, inamin ni Anton na marami na ang nagbago sa kanya ngayon una na dito ang kanyang boses.

“Yes. That’s true! May mga kanta ako na hindi ko na na nakakanta, na dati parang kayang kaya ko kantahin, at madali lang. Lahat nagbabago talaga e, ‘yung katawan ko nga nagbago e, mayroon na akong timbang. Tapos talagang nagbabago e,” patuloy pa niya.

Thankful din si Anton sa positibong dulot ng kanyang pagdisiplina.

“Siguro kung hindi ako naging disiliplinado, hindi ko kakayanin na makakanta pa din hanggang ngayon,” ani singer-performer.

Malaki din ang pasasalamat ni Anton sa mga taong naging bahagi ng kanyang karera mula sa simula.

“I’m so happy and blessed pa din pala, ‘yung mga friends ko na nakilala ko along the way sila din pala ‘yung tutulong sa akin na makakasama ko sa concert na ito,” sabi pa niya.

At isa dito si Vice Ganda na present sa kanyang concert kasama ang idolo ni Anton na si Regine Velasquez.

“Parang jackpot na agad (Regine and Vice), kasi kung babayaran sila, wala nang kikitain (Laughs)! Pero they are very supportive and money doesn’t matter for them kaya,” pahayag pa ni Anton.