• Home
  • Fresh Scoops
  • Showbiz personalities, ibinahagi ang bonding moments kasama ang kanilang mga ina

Showbiz personalities, ibinahagi ang bonding moments kasama ang kanilang mga ina

Walang katumbas ang pagmamahal ng isang nanay para kina Mariel Rodriguez, Aya Abesamis at Juliana Pariscova.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/11/2019 3:37 PM
Showbiz personalities, ibinahagi ang bonding moments kasama ang kanilang mga ina


Ngayong darating na Araw ng mga Ina, may iba’t -ibang plano na ang mga anak sa kung paano ipapadama ang espesyal na pagmamahal para sa kanilang mga nanay.

Gaya ng marami, hindi naiiba dito si Mariel Rodriguez-Padilla na ang pagsaluhan ang paboritong pagkain ang bonding moment nila ng kanyang ina.

When we eat kasi, my mom likes to eat and me also, I really love food. Inaalagaan niya din ang anak ko, alam ko yun ang nagpapa-happy sa kanya talaga,” kuwento ng It’s Showtime host.

Ang Binibining Pilipinas 2019 candidate naman na si Aya Abesamis, inilarawan na tough love ang pagmamahal ng kanyang ina na si Desiree Verdadero, na isa ring beauty queen.

Every step of the way she’s asking me what I need and she’s always watching me and teaching me as well. Tough love always works you know,” aniya.

Si Juliana Pariscova, naman na naging inspirasyon ang pagmamahal ng kanyang ina sa winning answer sa first batch ng Miss Q & A, ibinahagi din kung paano sila nagkakaayos ng ina tuwing may mga tampuhan.

“Kami ni mama kasi hindi talaga maiiwasan ‘yang ganyan mga tampuhan. Ang nangyayari, bigla na lang kami naglalambingan. Minsan bigla na lang yan papasok sa kwarto ko, tatabihan ako, manonood kami ng TV hanggang sa bigla na lang kami mag-chikahan ganun,” sabi ni Juliana.

Iba-iba man ang pamamaraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa kani-kanilang mga nanay, iisa pa din ang kahulugan nito para sa karamihan, ang gawing espesyal ang bawat oras na kapiling natin ang ating mga nanay.