• Home
  • Fresh Scoops
  • Pia Wurtzbach, nagbigay ng update sa pelikula nila ni Vhong Navarro

Pia Wurtzbach, nagbigay ng update sa pelikula nila ni Vhong Navarro

Ipinagmalaki din ni Pia ang mga naging bunga ng kanyang pagta-trabaho sa showbiz.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/11/2019 4:05 PM
Pia Wurtzbach, nagbigay ng update sa pelikula nila ni Vhong Navarro


Ipinagmalaki ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang mga naging bunga ng kanyang naging pagsisikap sa showbiz.

Una na dito ang pinapangarap niyang bahay na malapit na niyang lipatan.

All the hard work has finally paid off, baka ma-push back lang ang moving in date ko,” kuwento ni Pia.

READ:Pia Wurtzbach shares a glimpse of her new home

 

Dito, nagbigay patikim din si Pia sa pelikulang nakatakdang pagsamahan nila ni Vhong Navarro.

Now I’m working on a movie with Black Sheep, with Vhong Navarro. We’re going to start shooting really soon. I think next week it’s a dark comedy, very interesting,” kuwento pa ng aktres.

At ngayong Mother’s Day, hindi din papahuli si Pia, na may inihandang sorpresa para sa kanyang Ina.

“My mom has really simple joys in life, ‘yung mga seafood yun ‘yung mga paborito niyang pagkain sa mga Dampa ganyan, ‘yan ang mga paborito nyang pagkain. Most likely I’ll be treating her,” pahayag pa ng beauty queen.