• Home
  • Fresh Scoops
  • Erik Santos, Yeng Constantino nag-react sa issue tungkol sa ‘pagkakatunog’ng mga baguhang singer

Erik Santos, Yeng Constantino nag-react sa issue tungkol sa ‘pagkakatunog’ng mga baguhang singer

Inamin nina Erik Santos at Yeng Constantino na nagsimula din sila noon sa panggagaya ng kani-kanilang iniidolong mga singer.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/11/2019 4:27 PM
Erik Santos, Yeng Constantino nag-react sa issue tungkol sa ‘pagkakatunog’ng mga baguhang singer


Photo credit: @yeng on Instagram

Nagsalita ang dalawa sa Tawag Ng Tanghalan judges na sina Yeng Constantino at Erik Santos sa kamakailang argumento sa talent show na Idol Philippines tungkol sa pagiging pare-pareho ang tunog o estilo ng mga bagong singers. 

Maaalalang nagkaroon ng palitan ng opinyon ang mga Idol Judges na sina Regine Velasquez at Moira Dela Torre sa isang episode ng reality singing competition. Ibinahagi dito ang ‘frustration’ ni Regine dahil sa isang contestant na may kaparehong estilo ni Moira. 

READ:Regine Velasquez at Moira Dela Torre, may iringan nga ba?

Kahapon, May 10, sa press conference para sa kanilang darating na concert na ‘ExtraordinarY,’ nagbigay ng reaksyon sina Erik at Yeng tungkol sa isyu. 
 
I think nasa panahon din kasi e. May mga times na halos lahat ng mga sumasali sa singing contests either kaboses ni Kuya Martin (Nievera) ni Ate Reg (Regine Velazquez). Ngayon since panahon ni Moira, siya talaga yung ginagaya,” pahayag ni Erik, na inaming ginagaya niya ang pagkanta noon ni Martin.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Bukas nasa Umagang Kay Ganda kami ni Erik! ❤️ Nuod kayo! 😍

A post shared by Yeng Constantino (@yeng) on

Inalala naman ni Yeng ang mga karanasan noong sumasali pa lang siya ng mga amateur singing contests. Ayon sa kanya, mababa ang boses niya noon dahil sa musical influences na ginagaya niya. 

“Pag sumasali ako ng singing contest lahat kumakanta ng Regine Velasquez songs, and nakaka-frustrate yun para sa isang may mababang boses na katulad ko noon.

“Ang mga musical influences ko ay mga influences ng nanay ko - sina Timi Yuro, Imelda Papin. So I think sa bawat generation mayroong talagang isang ia-aspire ng lahat na maging katulad. And its very natural lalo na sa mga nagsisimula ngayon,” kuwento ni Yeng.

Parehong judge sina Erik at Yeng sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime. Para sa kanila, bagaman natural ang pagkakaroon ng kaparehong estilo sa pagkanta, hinahanap pa rin nila ang may sariling musical identity

“Minsan naghahanap kami ng isang mang-aawit o ng isang contender, na kahit ganun yung sound mayroon pa rin silang nilalagay na ibang style to make it their own,” ani Erik. 

Magaganap sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila, sa May 22 ang ExtraordinarY concert ni Erik at Yeng.