Dawn Chang on Chienna Filomeno: ‘We’re civil’

Dawn Chang, dinepensahan ang sarili tungkol sa ‘iringan’ nila ni Chienna Filomeno.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/11/2019 11:17 AM
Dawn Chang on Chienna Filomeno: ‘We’re civil’


Sa Tonight with Boy Abunda, dinepensahan ni Dawn Chang ang sarili tungkol sa issue na may kinalaman sa iringan diumano nila ni GT co-member Chienna Filomeno. Hindi daw sila ni Chienna ang nag-away kundi sina Chienna at Erin Ocampo na dating GirlTrends member din. 

READ: Chienna Filomeno inaming nagparetoke ng ilong: ‘There’s nothing wrong in enhancing something that you have.’

Ayon kay Dawn, nangyari ang lahat more than a year ago. “Erin used to be very, very close to me. One day I received a call from Erin saying, ‘Ate Dawn, nasaan ka?’” kuwento ni Dawn. 

Humihingi daw ng tulong si Erin kay Dawn dahil, “Nag-away sila ni Chienna. Nagsigawan sila and Chienna pulled her hair.”

Lalo pa daw na-shock si Dawn nang malaman na, “They got suspended. It’s Showtime management called us for a meeting at naayos yun lahat doon.” 

Dagdag pa ni Dawn, takot si Erin magsalita at depensahan ang sarili niya. “She was that scared to speak up and I was the one who was like, ‘Erin, magsalita ka na! Sabihin mo yung totoo.’ She was so scared. She doesn’t know how to compose her thoughts.”

Pero ayon kay Dawn, naayos din ang lahat kaya nagulat siya sa naging pahayag ni Chienna sa TWBA. “But at the end of it all, naayos naman yun, Tito Boy. That’s why I’m shocked that after how many so and so years, biglang she’s going to say that and it was so vague. For me, if you want to speak the truth, you have to speak the truth in full force.”

Paglilinaw ni Dawn, wala silang away ni Chienna. “Hindi kami nag-away. Kung may mga issues man kami, maliliit na issues lang yun na hindi kailangan lumaki ng ganun,” paliwanag ni Dawn.

Matapos daw ang interview ni Chienna sa TWBA ay, “She came up to me (and said) tinanong ako ni Tito Boy kung nagkairingan tayo and I said yes.” At ang naging sagot daw dito ni Dawn ay, “Ha? Bakit ako nadadamay? E di ba kayo naman talaga ni Erin ang nag-away? And she (Chienna) said iringan pa rin yun. So I’m like, I don’t get it and it ended there.”

Nang kumustahin sila ni Chienna, ang honest na sagot ni Dawn ay, “We’re civil.”