• Home
  • Fresh Scoops
  • Dawn Chang: ‘Ang aking biological mother is tomboy, lesbiana’

Dawn Chang: ‘Ang aking biological mother is tomboy, lesbiana’

Dawn Chang, kinuwento ang pagkakaroon ng lesbian mom

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/11/2019 11:12 AM
Dawn Chang: ‘Ang aking biological mother is tomboy, lesbiana’


Photo credit: @thedawnchang IG

Sa Tonight with Boy Abunda, kinuwento ni Dawn Chang ang unique setup ng kanyang pamilya dahil ayon sa kanya ay meron siyang dalawang moms. “Ang aking biological mother is tomboy, lesbiana. Meron siyang naging girlfriend from High School up to College whom I call Mama, my second Mom,” kuwento ni Dawn.

Wala daw sa plano ang pagbubuntis ng lesbian mom ni Dawn. “Hindi niya matanggap, Tito Boy,” ani Dawn. Hindi rin boyfriend ng biological mom ni Dawn ang nakabuntis sa kanya.

Naintindihan diumano ni Dawn kung bakit hindi matanggap ng biological mom ni Dawn ang pagbubuntis nito. “I totally understand, Tito Boy. Yung humiliation, yung pang-aasar sa kanya ng mga tao. Yung kahihiyan,” sabi ni Dawn.

Nang tanungin kung paano nangyari ang pagbubuntis, ang sagot ni Dawn ay, “Tinry ng Mommy ko kung ano ang feeling.”

Dahil dito, kinausap daw ng second Mom ni Dawn ang kanyang biological Mom na, “Kung ayaw mo yung bata, pagkapaganak mo, ibigay mo sa akin yung bata.”

Nag-asawa rin eventually ang Mama ni Dawn at tinanggap naman siya ng asawa nito bilang totoong anak.

Pagtatapos naman ni Dawn sa kanyang special family setup, “bata pa lang ako Tito Boy, alam ko na. Ayaw nilang ipagkait sa akin yung katotohanan. I did not feel different at all.”