Angel Locsin, inalala ang ex-boyfriend na si Miko Sotto

Mula nang pumanaw si Miko Sotto ay consistent si Angel sa pagbisita sa puntod nito.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/11/2019 9:14 AM
Angel Locsin, inalala ang ex-boyfriend na si Miko Sotto


Photo credit: @therealangellocsin IG (L) and @therealangellocsin Twitter (R)

Noong Biyernes, May 10, ibinahagi ni Angel Locsin sa kanyang Twitter ang kanyang naging pagbisita sa puntod ng dating boyfriend na si Miko Sotto. 

Matatandaang pumanaw ang aktor noong 2003 dahil sa aksidenteng pagkahulog nito mula sa tinitirhan na high-rise condominium. 

Birthday ni Miko ng araw na iyon at kung nabubuhay siya ay 37 years old na siya ngayon. 

Consistent si Angel sa pagbisita sa kanya at naging malapit na din sa pamilya nito. 

READ: Angel Locsin remembers Miko Sotto on his birthday

Kasintahan na ngayon ni Angel ang film producer na si Neil Arce.