• Home
  • Fresh Scoops
  • Zsa Zsa Padilla on learning about her sham marriage to a Japanese: ‘Sobra talaga yung galit ko nung umpisa’

Zsa Zsa Padilla on learning about her sham marriage to a Japanese: ‘Sobra talaga yung galit ko nung umpisa’

Zsa Zsa Padilla, kinwento ang pinagdaanang annulment para sa ‘sham marriage’ sa isang Hapon.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/10/2019 11:15 AM
Zsa Zsa Padilla on learning about her sham marriage to a Japanese: ‘Sobra talaga yung galit ko nung umpisa’


Sa Tonight with Boy Abunda, sobra diumano ang pagka-shock ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla nang malaman na ikinasal siya sa isang Hapon noong 1992. Ayon kay Zsa Zsa isa itong fake o sham marriage dahil hindi naman siya nagpakasal noong 1992.

Ayon sa kuwento ni Zsa Zsa, pumunta sila ng fiancé na si Architect Conrad Onglao sa Registrar’s office in Makati at doon niya nalaman na may existing marriage certificate ang marriage niya sa Hapon. Doon na daw napaiyak si Zsa Zsa. “Nung nakita ko talaga, sobra akong nagulat. Pagkatapos nun humagulhol na ako talaga. Umiyak ako.”

Sobra din daw ang galit ni Zsa Zsa dahil 11 years bago na-annul ang kasal niya kay Modesto Tatlonghari. “It took me 11 years to get my annulment with M, ano na naman ito? Bakit ganyan?” 

Nalaman pa ni Zsa Zsa na kailangan niyang pagdaanan ang expensive process of annulment para ma-declare na null and void ang kasal niya sa Hapon na hindi niya kilala. Nag-antay daw muna si Zsa Zsa ng two to three months bago nagdesisyon na ipa-annul ang kasal. At nagdesisyon daw siya na kung sino man ang gumawa ng fake marriage na yun ay kailangan niyang patawarin.

Pinatunanyan ni Zsa Zsa sa korte na noong nasabing date nung kasal noong 1992 ay nasa US siya kasama ang late comedian at longtime partner na si Dolphy dahil daw nagpapagamot noon si Dolphy. At maging ang Japan national na “asawa” niya ay wala sa bansa at pumasok lang ito ng bansa five years later noong 1997.

Dahil sa mga ebidensya na nai-present ni Zsa Zsa, annulled na ngayon ang sham marriage niya sa Hapon. Pagtatapos ni Zsa Zsa, “Sobra talaga yung galit ko nung umpisa. Kasi ngayon nakaka-smile na po ako e. Kasi tapos na.”

Kailan naman kaya ang kasal nila ng kanyang fiancé? Ani Zsa Zsa, “We’re still planning it in between our schedules.” 

READ: Zsa Zsa Padilla confirms she is getting married to Conrad Onglao this year