Yeng Constantino, nag-post ng picture bilang Darna

Sa Instagram, pabirong sinabi ng singer na “tapos na ang paghahanap” sa bagong aktres na gaganap sa millennial film reboot ng ‘Darna’ dahil napili na siya para rito.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/10/2019 4:27 PM
Yeng Constantino, nag-post ng picture bilang Darna


Photo credit: @yeng on Instagram

Pinasaya ni Yeng Constantino ang kanyang fans matapos itong mag-post ng kanyang edited picture bilang sikat na superhero na si Darna.

Sa Instagram, pabirong sinabi ng singer na “tapos na ang paghahanap” sa bagong aktres na gaganap sa millennial film reboot ng ‘Darna’ dahil napili na siya para rito.  

“Tapos na po ang paghahanap! Ako na nga po! Goodmorning,” aniya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Tapos na po ang paghahanap! Ako na nga po! 😜 good morning!

A post shared by Yeng Constantino (@yeng) on

 

Sa kasalukuyan ay naghahanap pa rin ang Star Cinema ng susunod na aktres na bibida bilang Darna.

Matapos mag-back out ni Liza Soberano sa proyekto noong Abril, nag-open ang nasabing production company ng casting call para sa mga interesado sa role nitong buwan lamang.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

WHO IS THE NEXT DARNA? The search is ON!

A post shared by ABS-CBN Films, Star Cinema (@starcinema) on

 

Bago pa man si Liza, nauna nang nag-withdraw si Angel Locsin at direktor na si Erik Matti sa nasabing film project.

Ilan sa mga celebrities na nominated ng fans bilang susunod na Darna ay sina Nadine Lustre, Maja Salvador, at Pia Wurtzbach.