• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Stop hiding behind made up IG accounts’: Kris Aquino, bumwelta sa kanyang basher

‘Stop hiding behind made up IG accounts’: Kris Aquino, bumwelta sa kanyang basher

Matapang na sinagot ni Kris Aquino ang kanyang basher matapos nitong hilingin na malason ang aktres at ang kanyang bunsong anak na si Bimby Yap.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/10/2019 6:55 PM
‘Stop hiding behind made up IG accounts’: Kris Aquino, bumwelta sa kanyang basher


Photo credit: @krisaquino on IG

Matapang na sinagot ni Kris Aquino ang kanyang basher matapos nitong hilingin na malason ang aktres at ang kanyang bunsong anak na si Bimby Yap.

Nagsimula ito noong Miyerkules nang nag-post ang Queen of All Media sa Instagram ng kanyang litrato kasama si Bimby habang kumakain ng balut.

Aniya sa kanyang caption, “Bonding namin over balut from San Pedro, Laguna. (My mom, kuya Josh, and I loved the balut from Pateros that Archbishop Soc’s mom used to send.).”

“Malason sana kayong dalawa,” ani ng nasabing troll sa kanyang maikling comment.

Agad namang bumwelta si Kris sa pamamagitan ng paghamon sa kanyang basher na ‘wag magtago sa likod ng isang fake account.

“I am so done with being bullied by insane people like you who it with fake accounts. Kung gusto mo talaga kaming lasunin JUST DO IT and stop hiding behind freakingmade up IG accounts. Tulog ka na raw, your dad Satan says it’s time for bed,” sagot niya.