• Home
  • Fresh Scoops
  • Bakbakan nina Romina at Daniela sa ‘Kadenang Ginto’ patok sa netizens

Bakbakan nina Romina at Daniela sa ‘Kadenang Ginto’ patok sa netizens

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

5/10/2019 11:23 AM
Bakbakan nina Romina at Daniela sa ‘Kadenang Ginto’ patok sa netizens


Hot topic ngayon sa netizens ang ilan sa mga maiinit na mga eksena sa top rating afternoon serye sa Kadenang Ginto.

Isa na dito ang makapigil hiningang confrontation scene sa pagitan nina Romina (Beauty Gonzalez) at Daniela (Dimples Romana).

Hindi sampal, kundi suntok na sa mukha ang levels ng galit ng kanila ng mga karakter. Kaya naman ang mga netizens sa social media nagliliyab din ang mga reaksyon at kumento.

May mga nagsabi na ito ang kanyang current favorite sa telebisyon.

 

Mayroon din na inspirado sa araw-araw dala ng mga eksena dahil sa top rating teleserye.

 

Ang iba pinupuri ang bawat eksena nito araw-araw.

 

Inaasahan na mas titindi pa ang mga pasabog tuwing hapon sa Kadenang Ginto na napapanuod sa ABS-CBN.