• Home
  • Fresh Scoops
  • Alex Gonzaga, inaming paulit-ulit binabasa ang mga hate comments sa kanya sa social media

Alex Gonzaga, inaming paulit-ulit binabasa ang mga hate comments sa kanya sa social media

Ipinaliwanag ni Alex Gonzaga kung bakit niya binabasa nang paulit-ulit ang mga hate comments sa kanya online.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/10/2019 10:43 AM
Alex Gonzaga, inaming paulit-ulit binabasa ang mga hate comments sa kanya sa social media


Photo credit: @cathygonzaga on Instagram

Hindi na bago sa mga masasakit na salita sa social media ang Kapamilya comedienne at YouTuber na si Alex Gonzaga, kaya nakahanap siya ng paraan kung paano niya pakikitungohan ang mga online bashers.

Sa kanyang interview sa YouTube vlog ni Bianca Gonzalez na Paano Ba 'To, ipinaliwanag ni Alex kung bakit paulit-ulit niyang binabasa ang mga hate comments na natatanggap online. 

"Minsan 'pag sobrang dami nang pumupuri sa ‘yo, parang maghahanap ka ng isang masakit [na comment] kasi 'pag sobra kang nasanay na puro ka papuri, isa lang magsabi sa ’yo ng masakit—bothered na bothered ka na, na-balewala na yung 10 messages na maganda sa ‘yo," paliwanag ni Alex.

READ: Alex Gonzaga, sinagot ang isyu ng pagiging ‘insensitive’ ng mga jokes niya

Pag-amin din ng komedyante, binubura niya noon ang mga negative comments na nakikita niya, dahil masyado siyang naapektuhan ng mga ito, bagay na hindi na niya ginagawa niya ngayon.

"So ngayon sabi ko, alam ko na yung gagawin ko, babasahin kita nang babasahin hanggang yung words mo maging words na lang ang wala na siyang meaning sa akin.

“Napag-iwanan ka na” at “Never kang sisikat” ang ilan sa mga nababasa ni Alex noon, na ayon sa kanya ay hindi na niya pinapansin ngayon. 

 

READ: Magkano ang kinikita ni Alex Gonzaga sa YouTube vlogging?

READ: ‘It was actually a therapy for her’: Toni Gonzaga on sister Alex’s vlogging career

Sa huling parte ng vlog ay nag-iwan ng kanyang mensahe si Alex sa mga taong nakararamdam ng pangba-bash sa online man o sa totoong buhay.

"Kaya dapat 'wag kang maging afraid na makarinig ng criticisms at struggles mo in life, kasi sa buhay mo hindi matatapos yun. [Sa] buhay, forever may struggle it's just how you go through it," aniya.

Panuorin ang buong video dito:

Isa si Alex sa mga YouTube Gold Awardees na Filipino vlogger, matapos niyang lampasan ang one million subscribers mark ng naturang video-sharing website. 

Aabangan din ngayon si Alex bilang isa sa mga bagong cast members ng weekend comedy sit-com na Home Sweetie Home: Extra Sweet, kung saan ay bida ang kanyang kapatid na si Toni Gonzaga.