Tony Labrusca: ‘Hindi na po ako kleptomaniac.’

Tony Labrusca, inaming mahilig mag-shoplift noon

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/1/2019 11:55 AM
Tony Labrusca: ‘Hindi na po ako kleptomaniac.’


Sa Tonight with Boy Abunda, binalikan ni Tony Labrusca ang nakaraan niya at inamin na nagnanakaw siya noon sa mga convenience store. Aniya, hindi lang sa convenience store dahil, “Dati kung kailangan ko ng damit magnanakaw din ako sa store. Kung kailangan ko ng pagkain… lahat ng feeling kong puwede kong nakawin ninanakaw ko.” 

Nilinaw naman ni Tony na hindi niya ine-encourage ang manunuod na gayahin ang ginawa niya. Ani Tony, “I don’t want to encourage you guys to do this because it’s wrong but at that point in my life I felt my parents couldn’t give me enough for me to survive through the week. I thought that the only way I’m going to eat today is if I steal…”

Hindi naman din daw sa sobrang nagugutom si Tony pero minsan ay may mga gusto siyang bagay na hindi niya mabili. Never din daw nahuli si Tony sa pagsa-shoplift niya noon.

Bukod sa pagkain at damit, nakapagnakaw na rin si Tony ng infinity scarf at bag. Kuwento pa ni Tony matapos niyang makuha ang bag ay hindi niya pala gusto ang kulay nito kung kaya, “Bumalik ako sa store. Kinuha ko yung green pinasok ko sa loob ng first na ninakaw ko.”

Nilinaw naman ni Toni na hindi na siya nagnanakaw ngayon. “Hindi na po ako nagnanakaw guys. Hindi po ako kleptomaniac.”

Suggestion naman ng host na si Boy Abunda na balikan ni Tony ang mga stores na napagnakawan niya at magbayad siya dito.