Robi Domingo, ipinagmalaki ang bagong inspirasyon

Ikinuwento din ni Robi na intindido ng kanyang non-showbiz inspiration ang kanyang trabaho.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/1/2019 2:43 PM
Robi Domingo, ipinagmalaki ang bagong inspirasyon


Photo credit to @iamrobidomingo IG (right)

Masaya at inspirado ngayon ang Kapamilya show host na si Robi Domingo nang nakapanayam siya ng entertainment press.

Dito, masaya ng ikinuwento ni Robi ang masaya ng update sa personal na buhay pag- ibig niya sa kanyang non-showbiz girlfriend.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Sea the world with you 🌊

A post shared by Robi Domingo (@iamrobidomingo) on

“Masayang masaya ako ngayon kasi ok lahat,  sa pamilya ko ok, sa business aspect ok,sa trabaho tsaka ok sa personal life. Pakiramdam ko sobrang sweet ko ngayon (laughs) I’m seeing someone and I’m really happy with her,” sabi pa ni Robi.

Aniya, malaking bagay na hindi taga showbiz ang kanyang inspirasyon ngayon.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Diver na. Mowdel pa. 🌊

A post shared by Robi Domingo (@iamrobidomingo) on

“Simple at wala siya sa industriyang ito so mas marami kami napag uusapan sa labas mas marami ako natutunan sa kanya tsaka ang sarap nya pakisamahan,” ani Kapamilya host.

Pagdating naman sa kanyang trabaho bilang host ng “PBB: Otso”, inamin ni Robi na mayroon na siyang early favorites kung sino sa kanyang tingin ang mananalo sa Big Night ng Pinoy Big Brother.

“Everyday ako nasa loob ng bahay ni Kuya, tapos nakikita ko yung mga qualities na magiging big winner. So for sure ako meron na akong bet hindi nga lang bet parang ina idolize ko na eh,” pahayag pa niya.

Bukod sa “PBB” isang travel show din sa IWant ang nakatakdang gawin ni Robi.