• Home
  • Fresh Scoops
  • MNL48 Sheki, handang gabayan si Aly bilang bagong center girl

MNL48 Sheki, handang gabayan si Aly bilang bagong center girl

Si MNL Aly ang bagong center girl ng MNL48

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/1/2019 12:46 PM
MNL48 Sheki, handang gabayan si Aly bilang bagong center girl


Photo credits to MNL48 Sheki Facebook Page

Matapos ang naganap na General Election ng MNL48, humarap sa unang pagkakataon sa entertainment press ang former MNL48 center girl na si Sheki at bagong luklok na MNL48 Center girl na si Aly.

Bilang dating center girl, hindi naiwasan na mahingi ang saloobin si Sheki matapos ang naganap na general elections.

READ: Kilalanin ang bagong Center Girl ng MNL48

“Una palang naman po talaga. Sinabi na po nang management na hindi po talaga ako permanent, hindi po palaging ako ang center… Lagi po nasa isip namin na kailangan din po natin ibigay sa ka-members po natin para lahat po kami magkaroon ng exposure, maipakita po namin ang mga talent po namin,” tugon ni Sheki sa panayam.

Aniya, malaking adjustment din ang kanyang kailangan na pagdaanan ngayon matapos ang isang buong taon bilang center girl.

“Aaminin ko po na hindi pa po ako sanay (na hindi na center girl) dahil one year din po ‘yun but it’s been an honor for me na mag-lingkod sa grupo. And ngayon na new chapter na, sana po patuloy pa din ang maging suporta sa amin ng mga supporters po namin,” sabi pa niya.

Kung tatanungin naman kung ano ang kanyang mga naging advice sa bagong center girl na si Aly at sa mga bagong pasok sa MNL48 ito ang naging payo niya.

“Sa mga bagong members po ng MNL48, lagi ko po sinasabi na kahit na ano ang mangyari, tuloy lang po kahit ano po ang pagdaanan naman lahat. Ngayong second year na po, new chapter din po ang haharapin namin. Pagtutulung-tulungan po namin ito lahat,” sabi pa niya.

Sa huli sinigurado ni Sheki na patuloy ang suporta niya para sa kanilang grupo na kanyang itinuturing na mga kapatid.

“Kahit naman po na hindi na po ako center, andito pa din po ako para tumulong kay Aly. And gusto ko lang po sabihin na sana patuloy ang maging suporta po kay Aly, kasi siya po ang mag-aangat ng grupo ngayong year po and andito po kaming lahat para gabayan po siya palagi,” pahayag pa niya.

Sa ngayon, naghahanda na ang MNL48 para sa panibagong single na kanilang ilalabas anytime soon