• Home
  • Fresh Scoops
  • Miles Ocampo, nagdalawang isip tanggapin ang role bilang teenager na na-possess

Miles Ocampo, nagdalawang isip tanggapin ang role bilang teenager na na-possess

Miles Ocampo, nilaro ang character bilang teenager na na-possess.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/1/2019 11:48 AM
Miles Ocampo, nagdalawang isip tanggapin ang role bilang teenager na na-possess


Photo credits to @milesocampo IG

Sa exclusive interview kay Maledicto star Miles Ocampo, nagdalawang-isip diumano ang aktres kung tatanggapin niya ang role ng isang teenager na na-possess ng demonyo. Ani Miles, “Sobrang nagdalawang isip ako na tanggapin ang project dahil nga exorcism siya.”

Bukod dito, natakot daw si Miles kung kaya niyang gampanan ang character niya sa movie na si Agnes. “And nakakatakot dahil hindi ko alam kung mabibigyan ko ba ng justice. Pero I’ve been wanting to do something out of my comfort zone and feeling ko eto yung magandang project for me since na-possess siya, nasapian siya. Nabigyan ako ng chance na ma-express lahat ng emotions ko.”

Dagdag pa ni Miles, “Nakakapagod siya physically, emotionally, mentally, and spiritually.”

Ganunpaman malaking tulong daw ito sa pagiging aktres niya. “Iba yung naging tulong sa akin as an actor kasi nalaro ko siya. Kasi nasanay kayo sa akin na nasa sitcom or sweet sweet lang.” Ito rin daw ang most challenging role ng aktres kaya excited siya. 

Hindi um-attend ng immersions at workshops si Miles bilang paghahanda sa role niyang isang teenager na nasapian. Pero malaking tulong daw ang pag-guide sa kanya ng director ng Maledicto na si Mark Meily. “It’s the help of Direk Mark, tinulungan niya ako mag-level 7 muna bago mag-level 10.

Pahabol pa ni Miles, “Ang saya kasi sobrang nalaro ko yung character ko po.”  Blessed din daw siya dahil kasama siya sa unang fim ng Fox Philippines.