• Home
  • Fresh Scoops
  • Janella Salvador at Maricel Soriano, nagkuwento tungkol sa kanilang bagong pelikula

Janella Salvador at Maricel Soriano, nagkuwento tungkol sa kanilang bagong pelikula

Ibinahagi nina Janella Salvador at Maricel Soriano kung ano ang kanilang magiging papel sa bagong horror film na 'The Heiress' na expected ipalabas ngayong taon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/1/2019 4:41 PM
Janella Salvador at Maricel Soriano, nagkuwento tungkol sa kanilang bagong pelikula


Excited si Janella Salvador sa unang pagtatambal nila ng Diamond Star na si Maricel Soriano sa pelikulang The Heiress.

Sinabi ito ng nakababatang aktres sa kanyang interview kasama ang ABS-CBN News kamakailan lamang. “I’m super excited to work on it kasi I’m going to get to work with Ms. Maricel Soriano," aniya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Janella Salvador with Maricel Soriano for #TheHeiress, coming soon under Regal Entertainment

A post shared by Star Magic (@starmagicphils) on

Ayon kay Janella, gaganap siya sa nasabing horror film bilang pamangkin ng karakter ni Maricel, na isa namang mambabarang. Ang "barang" ay parte ng Filipino mythology na madalas naihahalintulad sa mangkukulam o taong gumagamit ng mahika o spells.

"Ipapasa niya sa akin yung pagiging mambabarang niya," ani Janella.

“Actually mas powerful siya (Janella) kaysa sa akin but she doesn’t know. May twist pa iyon, kung anong gagawin niya sa akin after all these years na inalagaan ko siya, na grinoom ko siya. Sa akin siya lumaki kaya sobrang hurt ako,” dagdag naman ni Maricel.

Ayon sa beteranang aktes, masaya rin siyang makatrabaho si Janella sa nasabing proyekto.

Aniya, "Alam mo namang wala akong babae ‘di ba? Kaya kapag nakakakita ako ng mga batang babae tapos mababait, natutuwa ako sa kanila. Gustong gusto kong gina-guide 'yung mga artista na nagpapa-guide.”

Bibida ang dalawa kasama sina Carmina Villaroel at McCoy de Leon.

Noong Abril, sumalang na sa unang story conference si Maricel at Janella kasama ang direktor na si Frasco Mortiz at Regal Films producer na si Mother Lily Monteverde.

LOOK: Janella Salvador at Maricel Soriano in one movie project

Target nilang ipalabas ang The Heiress sa paparating na Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre.