• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Gerald Santos, to pursue career in musical theatre in UK

EXCLUSIVE: Gerald Santos, to pursue career in musical theatre in UK

"May mga opportunities na nag-oopen don so I would like to grab it," sabi ni Gerald Santos na nangako ring magpapatuloy sa paggawa ng kanta para sa mga Filipino fans.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/1/2019 3:29 PM
EXCLUSIVE: Gerald Santos, to pursue career in musical theatre in UK


Photo credit to @thegeraldsantos IG (right)

Inalala ng Miss Saigon UK actor and singer na si Gerald Santos ang unang niyang performance sa nakaraang tour ng sikat na musical.

Sa interview niya sa PUSH Bets Live kahapon April 30, ikinuwento ni Gerald ang minsang nawalan siya ng boses matapos mag-rehearse ng halos tatlong buwan para sa unang araw ng show ng Miss Saigon.

"I almost lost my voice so sabi ko, 'Lord paano ko to kakayanin. It's just the beginning and its going to be a year-long show.’

"But then with the guidance of the Lord, I just prayed, I rested, I was not talking to anyone. My castmates nagtataka sila why I was not talking at all," kuwento ni Gerald. 

Ginampanan ng Star Music artist si Thuy sa Miss Saigon kung saan ay ang karakter na may pinaka-mataas na mga kanta sa show.

"The part is emotionally and vocally demanding," ani Gerald.

Ngayong nagbalik sa Pilipinas para sa kanyang Homecoming Concert sa Solaire Theater sa May 4, sinabi rin ni Gerald na nakatakda rin siyang gumawa ng mga bagong kanta para sa kanyang mga Filipino fans. 

Bukod dito, plano rin bumalik ni Gerald sa UK para sa mga bagong oportunidad para sa kanyang karera sa musical theater. "I'm still coming back there. I'm sad, but then may mga opportunities na nag-oopen don so I would like to grab it. 

"Hindi ko naman siyempre kakalimutan ang Pilipinas. I will still record songs," kuwento ni Gerald.

Makakasama ni Gerald sa kanyang Homecoming Concert sina Jake Zyrus, Aicelle Santos, Joreen Bautista, at Leo Valdez.