Fumiya at Yamyam, bilang pinaka-bagong comedy duo?

Masaya at hindi makapaniwala sina Fumiya Sankai at Yamyam Gucong nang ihalintulad sila kina Dolphy at Panchito dahil sa galing nila sa pagpapatawa.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/9/2019 12:12 PM
Fumiya at Yamyam, bilang pinaka-bagong comedy duo?


Todo ang pasasalamat ng dalawa sa Pinoy Big Brother Otso Big 4 Adult Housemates na sina Fumiya Sankai at Yamyam Gucong nang ihalintulad sila kay Comedy King Dolphy at sidekick nitong si Panchito.

Sa naganap na Star Hunt Media Conference, hindi makapaniwala ang dalawa na tinatawag na sila ngayon bilang pinaka-bagong comedy duo sa Pilipinas.

"Talaga? I didnt know that outside people think like that," sabi ni Fumiya na halos hindi masabi ang nararamdaman. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

πŸ™ˆπŸ™ˆπŸ™ˆ

A post shared by Yamyam Gucong (@gucongyamyam) on

Naging patok sa mga manunuod ang nabuong pagkakaibigan nina Fumiya at Yamyam simula noong unang araw pa lamang nila sa loob ng Bahay ni Kuya. Marami ang natutuwa sa pagiging totoo at praktikal ng dalawa sa kabila ng magkaibang alam na lenggwahe at parehong hirap sa Ingles.

Bukod sa pagiging “spiritual brothers”, may nabuo ring pangalan ang kanilang tandem, mula sa kanilang mga tagahanga, ang FumiYam.

READ: Fumiya on Yamyam: ‘He’s so important for me’

Samantala, nagbigay din ng pasasalamat si Fumiya sa lahat ng nag-subscribe sa kanyang YouTube channel. Ayon sa kanya, hindi niya akalain na aabot agad ng one million subscribers ang channel dahil pumasok siya sa Pinoy Big Brother house at hindi na ito natutukan.

READ: PBB housemate Fumiya Sankai hits 1 million Youtube subscribers

Sa pag-alis ng Batch 2 sa Bahay Ni Kuya, pumasok naman ang bagong batch ng teen housemates na kasalukuyang napapanuod sa PBB Otso sa Kapamilya Gold at Primetime Bida