• Home
  • Fresh Scoops
  • Bimby, papayagan ba ni Kris Aquino na maging basketball player na tulad ni James Yap?

Bimby, papayagan ba ni Kris Aquino na maging basketball player na tulad ni James Yap?

Kasalukuyang nagbabakasyon sa Japan si Kris Aquino kasama ang dalawang anak.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/9/2019 10:10 AM
Bimby, papayagan ba ni Kris Aquino na maging basketball player na tulad ni James Yap?


Photos credit: @krisaquino (L)/ @jamesyap18 (R) IG

Nag-i-enjoy ngayon sa Japan si Kris Aquino kasama ang kanyang dalawang anak na sina Bimby at Josh. Almost two weeks na sila sa Japan at ang balita namin ay sa third week ng April pa sila uuwi ng Pilipinas.

Habang nasa Japan ay mas nakakakain din daw si Kris bagay na kailangan niya talagang gawin dahil sa kanyang health condition ngayon.

“I am healthier when here in Tokyo because I eat better (kahit paulit ulit—friends na nga namin the Japanese staff in the restaurant & alam na nila what I’m likely to order),” post niya sa kanyang social media account.

Nag-post din si Kris ng naging usapan nila ni Bimby tungkol sa interes ng anak sa paglalaro ng basketball. Si Bimby ay anak kay Kris ng sikat na PBA player na si James Yap.

“He asked me tonight... if it was okay that he was naturally good in basketball? WHOA. Poor him to feel I’d feel bad about something he was good at,” litanya ni Kris.

Ibinahagi din ng Queen of All Media na bukod sa basketball ay nag-enjoy din si Bimby sa iba’t iba pang sports tulad ng badminton, sharp shooting, at boxing. In fact, naglaro pa nga raw si Bimby nang magpunta ito sa isang amusement center sa Tokyo.

“I promised him when we get home, he can choose all the sports he likes and he can immediately enroll in boxing and badminton but I think the firing range will have to wait until he’s 18.

“About basketball, it’s a team sport, so medyo mahirap apurahin and this is one instance where sensitivities have to be taken into careful consideration.

“I couldn’t be happier that my 2 are experiencing so much & being regular kids during this trip,” post ulit niya.