• Home
  • Fresh Scoops
  • Albert Martinez, ibinida ang five-hectare retirement place sa Treasure Mountain

Albert Martinez, ibinida ang five-hectare retirement place sa Treasure Mountain

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

4/9/2019 11:10 AM
Albert Martinez, ibinida ang five-hectare retirement place sa Treasure Mountain


Sa ulat ng TV Patrol, ipinakita ni veteran actor Albert Martinez ang kanyang five-hectare retirement place sa Treasure Mountain sa Tanay, Rizal. Dito siya nag-celebrate ng kanyang 58th birthday.  Ani Albert, “It’s really beautiful. Nature at its best…5:30 in the morning up to about mga 7 a.m., dito makikita yung sea of clouds.” 

Aminado din si Albert na dito niya gustong mag-retire. “More or less mas gusto ko dito kasi it’s near… lahat ng pagkain dito lahat organic.”

READ: EXCLUSIVE: Albert Martinez recalls the lowest and highest points in his 37 years in showbiz
 
Nalulungkot din si Albert sa plano na ituloy ang construction ng Kaliwa Dam sa lugar. Opinyon ni Albert, “Ako lang kasi as an adventurer, as a nature lover, parang masakit lang na yung magandang view na ito mawawala. Hindi na siya mountain range kundi lake.” 

Ayon sa ulat, paboritong taping venue din ni Coco Martin para sa FPJ’s Ang Probinsyano ang lugar.

Sunod na bisita rin daw ni Albert si Angel Locsin at balak din magtayo ng veteran actor ng isang maliit na hotel sa lugar. 

WATCH: Albert Martinez, nakapagpundar ng limang-ektaryang retirement place