• Home
  • Fresh Scoops
  • Yasmien Kurdi inialay ang kanyang magna cum laude medal sa ina

Yasmien Kurdi inialay ang kanyang magna cum laude medal sa ina

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/8/2019 5:57 PM
Yasmien Kurdi inialay ang kanyang magna cum laude medal sa ina


Grumadweyt  na magna cum laude nitong April 6 sa Arellano University ang aktres na si Yasmien Kurdi sa kursong AB Political Science.

Proud na ipinost ni Yasmien sa kanyang Facebook account ang latest achievement na kanyang nakuha bilang estudyante na umani ng libu-libong komento mula sa netizens.

Pinasalamatan din ng aktres sa kanyang post ang asawang piloto na si Rey Soldevilla, ang anak na si Ayesha Zara at ang kanyang buong pamilya.

“Salamat sa pamilya ko, sa asawa ko na si Rey sa pagmamahal, pag gabay, pag-iintindi at inspirasyon na binibigay mo sa aking buhay. At sa anak ko na si Ayesha Zara, gusto ko lang talaga maging magandang halimbawa sayo anak. Mahal na mahal kita! Laging proud si mama sa 'yo.”

Inialay din ni Yasmien ang kanyang medalya sa butihing ina at isinuot ito sa leeg niya.

“Sa aking Ina, ang aking pinaka-unang guro...  salamat sa pagpapalaki at pagsasakripisyo ng maraming bagay sa buhay mo para sa akin. Para sayo ito Ma!  Mahal kita!” very touching na mensahe ni Yasmien sa kanyang mom.

Sa Messenger ay tinanong namin si Yasmien kung ano ang kanyang sikreto at nagawa niyang pagsabayin ang showbiz at ang pag-aaral.

Sagot niya sa amin, “Salamat po tito. Mahirap po talaga... Lagi po akong puyat at stressed  huhuhu... Pero time management po talaga siya. Love you.”

Umaasa rin ang aktres na magsisilbing magandang halimbawa ang college diploma niya sa maraming mga nangangarap ding makatapos ng pag-aaral.

“Nawa’y magsilbing inspirasyon ang pagtatapos kong ito sa mga taong gusto tapusin ang pagaaral nila... hindi pa huli ang lahat. Kapit lang! Laban. #itsnevertoolate,” post pa ni Yasmien.