• Home
  • Fresh Scoops
  • Xian Lim, sikretong nakipagmeeting sa Dreamscape para kay Kim Chiu

Xian Lim, sikretong nakipagmeeting sa Dreamscape para kay Kim Chiu

Ito ang pagbabalik telebisyon nina Kim at Xian na huling napanood noong 2016.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/8/2019 5:51 PM
Xian Lim, sikretong nakipagmeeting sa Dreamscape para kay Kim Chiu


Balik tambalan ngayon sa isang proyekto sina Kim Chiu at Xian Lim para sa pinakabagong proyekto ng Dreamscape na Love Thy Woman.

 

 

 

 

Ito ang masasabing reunion project nina Kim at Xian sa telebisyon matapos ang kanilang pinagsamahan na proyekto noong 2016 na The Story Of Us.

Kaya naman, bakas sa Kapamilya love team ang pananabik sa proyekto.

“Oo naman,” sabi pa ni Kim.

Malapit din kay Kim ang proyektong ito kung saan gaganap siya bilang isang anak ng Chinese family sa Pilipinas.

“Noong nag China kami last December, sinabi namin na ang sarap gumawa ng Chinese-Chinese na story no? Tapos pag-uwi namin dito mga February, may offer na sa'min, sabi namin ‘uy nagkataon’ tapos hindi niya sinabi sa akin na nakikipagmeeting na pala siya sa Dreamscape,” sabi pa ni Kim.

Gaya ni Kim, labis din ang excitement ni Xian para sa kanilang balik tambalan ni Kim.

“Well ‘yun nga ang sinasabi ko kanina, I’m very happy to be back and nakakatuwa lang na we’re back in Dreamscape. Parang ang last Dreamscape project namin is Ina, Kapatid Anak pa na ang tagal na,” sabi pa ni Xian.

Para kay Xian, alay din nila ang kanilang proyekto para sa kanilang mga taga-hanga na sumusuporta sa kanila magmula pa noon hanggang ngayon.

“This is something for them, and something we’ve been waiting for,” pahayag ng aktor.

Sa darating na Mayo, sisimulan na ang shooting ng Love Thy Woman, mula sa direksyon ni Jeffrey Jeturian, na mapapanood sa ABS-CBN.