• Home
  • Fresh Scoops
  • MNL 48, nagpasalamat sa tagumpay ng kanilang ‘Living The Dream’ concert

MNL 48, nagpasalamat sa tagumpay ng kanilang ‘Living The Dream’ concert

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/8/2019 11:54 AM
MNL 48, nagpasalamat sa tagumpay ng kanilang ‘Living The Dream’ concert


Tagumpay ang first major concert ng all girl group na MNL 48 na pinamagatang “Living The Dream” sa New Frontier Theater nitong April 6.

Dito, bigay todo ang MNL 48 sa pag-perform ng kanilang mga hit songs gaya ng “Pag-ibig Fotune Cookie”, “Palusot Ko’y Maybe” at ang “Talulot ng Sakura.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#MNL48 finale performance! #ExperienceAraneta #AranetaCenter

A post shared by New Frontier Theater (@newfrontiertheater) on

 

Kuwento ng lead member nito na si Sheki, hindi nila akalain na magiging matagumpay ang kanilang concert.

“Sobrang bilis po. Parang kailan lang nagbibilang pa lang kami ng mga araw, pero ngayon, ito na, nandito na kami, naibahagi na namin ang moment namin na ito para sa mga nagmamahal sa amin,” ani Sheki sa panayam ng PUSH.

Ang MNL48 member naman na si Abby, napa-throwback noong mga panahon na nagbebenta pa lang sila ng kanilang tickets.

“Grabe sobrang bilis po nang panahon, parang last time lang nagbebenta lang po kami ng tickets, pero ngayon gabi, nandito na po kami ngayon,” aniya. 

Hindi naman inakala ng MNL 48 member na si Sela na aabot sila sa ganitong pagkakataon.

“Sa loob po ng isang taon na bahagi kami ng MNL48, hindi po namin inisip na magiging ganito po kalayo ang mararating ng MNL 48 kaya isang privilege po para sa amin,” pahayag niya. 

Sa ngayon, magiging abala ang MNL48 members sa second general election kung saan magkakaroon ng pagbabago sa grupo nila.