Lou to Andre: ‘I found myself when I found you’

Lou Yanong at Andre Brouillette, ikinwento kung ano ang tawagan nila sa isa’t isa.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

4/8/2019 8:39 AM
Lou to Andre: ‘I found myself when I found you’


Sa Rated K, no boyfriend since birth diumano ang model at Pinoy Big Brother Otso finalist na si Lou Yanong. Ayon kay Lou, naging picky siya sa paghanap ng boyfriend.

 “Kasi malaki yung standard na ipinakita ng tatay ko. Naging picky siguro ako. Hinahanap ko yung talagang nakikita ko yung Dad ko “ pagbabahagi nito.

Si Andre Brouillette naman, na isa ring modelo at co-finalist ni Lou sa PBB Otso, ang hinahanap ay isang babaeng, “(patient), somebody I can get along pretty well, laugh together…” 

Nag-umpisa ang romance ni Lou at Andre sa masayang kwentuhan at nang tanungin kung ano ang unang nagustuhan nila sa isa’t isa, pareho sila ng isinagot. “Most definitely her eyes, she’s got princess eyes. And her smile. When she smiles, I smile,” sabi ni Andre. “It started with the eyes I swear. It’s his eyes,” sagot naman ni Lou. 

READ: PBB Otso housemate Andre Brouillette admits liking Lou since the very first week inside the PBB house

Nauwi anng kanilang pag-iibigan sa kanilang controversial first kiss pero hindi nila pinagsisisihan ang nangyari. “I don’t regret any of it. Kasi it’s natural. It’s how we feel,” sabi ni Lou. 

Si Andre naman, hindi daw niya na-imagine na ganito ang magiging first kiss nila ni Lou dahil, “the way I imagined our first kiss will be like on a date… on the outside. Taking her to watch the stars and talking about life.” 

READ: PBB Otso housemate Andre says sorry to Lou’s father for kissing her

Ngayon na “in a relationship” na ang status nila, super sweet sina Lou at Andre at ang tawagan nila sa isa’t isa ay “Nugget.”  

“Because she said she’s a burnt chicken nugget,” natatawang paliwanag ni Andre sa kanilang term of endearment. 

Sweet message naman ni Lou kay Andre ay, “I found myself when I found you.”