• Home
  • Fresh Scoops
  • Korina Sanchez on having Pepe and Pilar: ‘God made this happen, so God will provide’

Korina Sanchez on having Pepe and Pilar: ‘God made this happen, so God will provide’

Korina Sanchez, nagkwento sa proseso ng surrogacy na pinagdaanan nila ni Mar Roxas para magkaroon ng kambal.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

4/8/2019 9:52 AM
Korina Sanchez on having Pepe and Pilar: ‘God made this happen, so God will provide’


Photo credit: @korina on Instagram

Sa Rated K, nagkwento ang host na si Korina Sanchez kung paano ang naging journey nila ng kanyang asawang politician na si Mar Roxas para magkaroon ng anak. 

Ani Korina, noon pa sila may plano ni Mar na gamitin ang “teknolohiya” para magkaroon ng anak. Pareho daw kasi silang mahilig sa bata kahit na may edad na sila pareho at mukhang imposible nang magkaroon ng anak sa natural na paraan. 

READ: Korina Sanchez on the joy of motherhood: “It wasn’t instant with me”

Kaya bumyahe daw sila sa ibang bansa para simulan nga ang proseso ng surrogacy. Medyo mahirap daw ang pinagdaanan nila pero “wagi.” “Ilang taon din na frozen ang aming mga embryos,” sabi ng TV personality.  

Nagtagal daw at dumaan ang mga taon hanggang sa naging desidido na sila ni Mar na magkaanak at ituloy ang proseso ng surrogacy.  Ilang beses daw silang pumunta ng ibang bansa para sa  mga “doktor at abogado, para makilala ang babaeng magdadala ng anak namin,” kwento pa ni Korina. 

Hanggang sa natanggap nina Mar at Korina ang masayang balita na buntis na ang surrogate nila sa embryos nila at hindi lang isa kundi twins ang magiging anak nila. Sobra daw ang saya noon ni Korina at Mar pero may halo rin daw “kaba at takot.”  “God made this happen, so God will provide,” lahad niya. 

May mga ilang kaibigan din si Korina na nakakaalam na magkaka-baby na sila ni Mar. Nag-celebrate pa sila ng baby shower noong eight months na sa sinapupunan ang kambal.   

Kwento ni Korina, napaaga ng isang linggo ang paglabas ng mga sanggol kung kaya walang pag-aalinlangan na iniwan nila ni Mar ang trabaho at lumipad sila agad para salubungin sina Pepe at Pilar, ang mga munting anghel na mas nagpasaya ng buhay nila.  

READ: Mar Roxas on being a father to Pepe and Pilar: ‘Biglang tatay nanay, biglang lolo lola’