• Home
  • Fresh Scoops
  • Jehza Huelar at Ahtisa Manalo, ibinahagi ang hinahanap sa 2019 batch ng Binibining Pilipinas

Jehza Huelar at Ahtisa Manalo, ibinahagi ang hinahanap sa 2019 batch ng Binibining Pilipinas

May early favorites din ang reigning Binibinis.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/8/2019 11:51 AM
Jehza Huelar at Ahtisa Manalo, ibinahagi ang hinahanap sa 2019 batch ng Binibining Pilipinas


Magkahalong emosyon na ang nararamdaman ng reigning queens ng Binibining Pilipinas na sina 2018 Binibining Pilipinas Supranational Jehza Huelar at 2018 Miss International First Runner-up Maria Ahtisa Manalo sa naganap na press presentation ng 2019 batch ng Binibining Pilipinas.

READ: Sino-sino ang early favorites sa Binibining Pilipinas 2019?

Kuwento ni Jehza, sinorpresa siya ng mga kandidata na performance level agad ang ipinakita. 

“For me, ang daming mga girls na na-surprise kami kasi una, during the screening, hindi namin sila napansin but at this point parang ang daming nag bloom agad,” tugon ni Jehza sa panayam ng PUSH.

Ang first runner-up naman sa Miss International na si Ahtisa Manalo na first time nakita ang mga kandidata ay hinanap agad ang social media early favorites.

“For me, I wasn’t there during the screening so hindi ko sila nakita ng personal. This is the first time na nakita ko sila ng malapitan. There are some social media favorites na nakita ko in this presentation and parang there are other girls na stand out din and ready to get the crown,” aniya.

Kung tatanungin naman si Jehza kung may nakikita na siyang susunod na Binibining Pilipinas Supranational, aniya, “We’ll see, marami pang activities ang Binibini and malalaman natin along the way kung sino talaga ang deserving. Hindi naman ito one day event lang na makikita mo agad kung sino ang mabibigyan ng korona.”

Si Ahtisa naman, mayroong limang kandidata na napusuan na pasahan ng kanyang Binibining Pilipinas International crown. Pahayag niya, “At least five ata sila na nakita ko na pwedeng maging Miss International na, parang pwede na agad isalang ngayon in international stage, and I think in this batch, ang pinakamahirap na pipiliin nila ay ang Miss International.”

Sa ngayon, bahagi si Jehza at Ahtisa ng ilan sa mga events at activities ng Binibining Pilipinas 2019.