• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Arjo Atayde on his political-themed digital series Bagman: “It’s an eye opener to a lot of people”

EXCLUSIVE: Arjo Atayde on his political-themed digital series Bagman: “It’s an eye opener to a lot of people”

Ayon kay Arjo Atayde, hindi siya nag-dalawang isip na tanggapin ang role sa Bagman.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/8/2019 2:45 PM
EXCLUSIVE: Arjo Atayde on his political-themed digital series Bagman: “It’s an eye opener to a lot of people”


Photo credit: @arjoatayde on Instagram

"Relevant" at "eye-opener" para sa Kapamilya actor na si Arjo Atayde ang pinagbibidahang digital series na Bagman. Sa interview ng PUSH sa aktor, ipinaliwanag niya ang "political" na anggulo ng naturang palabas.

"It shows reality. It's an eye-opener because you might just be blaming people in position but honestly, corruption and all other things all starts from us before going to them (politicians).”

"It's an eye opener to a lot of people for them to realize where do all these unnecessary or bad illegal stuff - kung paano nagiging korap in different ways. How people can be corrupted in different industries," pahayag ni Arjo.

 

Sa kabila ng sensitibong tema - korapsyon at pulitika, hindi raw nagdalawang isip si Arjo na tanggapin ang proyekto. 

"No. I didn't have any second thoughts at all. Maganda kasi yung pagkakasulat eh. I was basing on the script.”

"It requires a lot of things, a lot of research, a lot of nuances - basta mahirap siyang gawin, sobrang hirap niyang gawin. I really had a hard time doing it. But I super enjoyed it," aniya.  

Ang Bagman ay isang political-action drama series na pinapalabas ng libre ngayon sa digital platform na iWant app. Ang series ay may 12 episodes na mula sa direksyon ni Shugo Praico.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

when she says “I like serious guys” me:

A post shared by Juan Carlos Atayde (@arjoatayde) on

Para sa Bagman lead actor, "recommended" din ang naturang palabas para sa mga botante ngayong darating na eleksyon. 

"Definitely for people who are about to vote. For you to see first what's happening in the Philippines and make sure that the person you're voting for is worth voting," sabi ni Arjo. 

Bukod sa Bagman, bida rin si Arjo sa bagong pelikula na Stranded kasama si Jessy Mendiola.