• Home
  • Fresh Scoops
  • Dating Miss Universe-Philippines Desiree Verdadero, may pakiusap sa pageant fans

Dating Miss Universe-Philippines Desiree Verdadero, may pakiusap sa pageant fans

Nagbigay saloobin din ang former Miss Universe Philippines sa nagsasabing stage mother siya.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/8/2019 1:10 PM
Dating Miss Universe-Philippines Desiree Verdadero, may pakiusap sa pageant fans


Photo credit: normannorman.com

Kasabay ng naganap na pagpapakilala sa 2019 batch ng Binibining Pilipinas, isang pakiusap naman ang binitawan ng 1984 Miss Universe Third Runner-up na si Desiree Verdadero.

ALAMIN: Sino-sino ang early favorites sa Binibining Pilipinas 2019?

“All the girls are beautiful, and good luck to all of them and please to all the bashers, no bashing please,” tugon niya sa panayam ng PUSH at ABS-CBN News.

“Encourage and support lang all your candidates, bashing is not nice okay,” patuloy pa niya.

Aniya, iwasan na rin sana ang pagbibitiw ng hindi magandang mga salita sa social media na nakakaapekto sa performance ng mga kandidata ng Binibining Pilipinas.

“Yes of course all of them has equal opportunity t’saka nagpapakahirap sila so please be nice to them,” sabi pa niya.

“All the girls have their dream of you know, representing the country so please be nice to them. It’s for the Filipinos, it’s not only for them, it’s for the Filipinos,” ani ng former Miss Philippines.

Bilang isang ina naman sa kanyang anak na si Maria Andrea “Aya” Abesamis na muling sumubok na sumali sa Binibining Pilipinas, todo rin ang suporta niya para rito.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Don’t look back unless it’s to see how far you’ve become 🖖🏾 #dontlookback

A post shared by A Y A A B E S A M I S (@ayabesamis) on

 

“This time, pray ka lang Aya, pray lang palagi. Don’t mind everyone na nag put you down,” ani Desiree.

At kung tatanungin naman ang kanyang opinyon kung stage mother nga ba siya sa kanyang mga anak, tugon niya, “Hindi, hindi. The last time Aya joined, I didn’t watch, hindi ako nakikialam sa kanya whatever decision she makes, that’s her. I only give advice.”

Mapapanood naman ang grand coronation night ng ika-56 na edisyon ng Binibining Pilipinas ngayong Hunyo 9 sa Smart Araneta Coliseum at sa ABS-CBN.