Aiko Melendez, umalma sa pagtawag sa kanya ng ‘Jade’

Sa kanyang Facebook live session sinabi ni Aiko na hiwalay na ang boyfriend niyang si Jay Khonghun sa kanyang asawa noong sila ay maging magkasintahan.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/8/2019 6:37 PM
Aiko Melendez, umalma sa pagtawag sa kanya ng ‘Jade’


Photo credit to: @aikomelendez IG

Hindi na napigilan ng  aktres na si Aiko Melendez ang maglabas ng pahayag laban sa isang kandidato na tinatawag siyang “Jade” sa mga kampanya at social media posts.

Si Jade ang karakter ni Yam Concepcion sa ABS-CBN series na Halik na synonymous ngayon bilang isang “kabit” o “kerida.”

Sa kanyang Facebook Live at Instagram ay iginiit ni Aiko na hindi siya kabit ni Jay Khonghun.

Si Jay ay kumakandidatong bise-gobernador sa Zambales at matinding kalaban sa pulitika ng babaeng incumbent vice governor na tumatawag kay Aiko as “Jade.”

“Una sa lahat, Madam Vice Governor, I don’t want to name you because I don’t want to use your name for your game baka sumikat ka lang.

“Yung sa personal isyu na pinu-point out mo, tinatawag mo akong kabit. Hindi po ako kabit.

“Una sa lahat, pumasok po ako sa buhay ni Jay, wala na po sila nung ex-wife niya. In fact, gusto niyo po i-check niyo po sa Olongapo, naka-file na po yung annulment nila,” paglilinaw ng aktres.

Patuloy ni Aiko, “Hindi ko po kasalanan kung ang judicial system natin sa Pilipinas ay mabagal. That’s why I am for divorce. So how dare you call me kabit?”

Ayon pa sa aktres, magkaiba ang kabit at girlfriend. 

Ani Aiko, “Ang kabit itinatago, so naintindihan niyo po kung ano ang diperensiya ng dalawang bagay?

“Pati anak ko dinamay niyo po. Kung ikaw po ang ganyanin ko, matutuwa ka po?”

Naging mataray ang mga sumunod na pahayag ni Aiko laban sa kanyang “kabit accuser.”

"If you have nothing good to say about other people, keep quiet. That’s what you call decency. Sometimes you really can’t buy class.

“I hope and pray that you can just buy it in a sari-sari store but you cannot. Sadly, sad to say, your kind of politics is so dirty. Napakadumi.

“Have a decent mouth. Have some manners. If you can’t buy manners, at least read a book about manners.”