• Home
  • Fresh Scoops
  • Apey Obera, nag-sorry sa pinakitang ‘pagmamaldita’ sa Tapatan with Ex-housemates episode

Apey Obera, nag-sorry sa pinakitang ‘pagmamaldita’ sa Tapatan with Ex-housemates episode

‘Wala pong personalang nangyari,’ depensa ni Apey Obera, matapos siyang ma-bash dahil sa episode na Tapatan with Ex-housemates.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/7/2019 10:51 AM
Apey Obera, nag-sorry sa pinakitang ‘pagmamaldita’ sa Tapatan with Ex-housemates episode


Photo credit: @imapeyobera on IG

Dinipensahan ni Apey Obera ang sarili at ang mga kasamahan niyang ex-housmates ng Pinoy Big Brother Otso Batch 2. Ito ay matapos silang makatanggap ng mga masasakit na salita online dahil sa episode na "Tapatan with Ex-housemates" noong March 25. 

 

Ayon kay Apey, kinailangan nilang maging maldita para mapapindot ng red button ang mga housemates at manalo sila sa task ni Big Brother. "Kailangan talaga kasi kailangan mapapindot namin sila kaya kailangan talaga ‘Lavinia Lavinia Inggetera’ parang ganon. Kailangan talaga maging maldita doon.

 

"E kaso hindi kami nagtagumpay sa mga balak namin. At ang nangyari ay kami ang na-grilling sa labas ng bahay ni Kuya. Jusko kami ang na-bash," kuwento ni Apey sa press sa naganap na Star Hunt Grand media conference.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Please follow my only Official Accounts IG and Twitter : @imapeyobera 🌹🌹🌹

A post shared by Apey Obera (@imapeyobera) on

 

Para kay Apey, hindi man sila nagtagumpay sa task ay marami naman silang natutunan pagkatapos ng naturang episode. "Para sa akin, kahit naman sila, kung malaman nila na task 'yon at makakatulong sa maraming tao, gagawin naman din siguro nila at sana naintindihan nila yung ginawa namin," dagdag ni Apey na pinanghinayangan ang sana'y natulungang charity kung sakali sila ang nanalo sa task ni Kuya.

 

Sa huli, humingi ng tawad ang ex-housemate dahil sa pinakita niyang asal. "Kaya nagso-sorry din po kami, kasi kahit papaano - yung mga mukha namin doon talagang kontrabida talaga.

 

"Masakit din po sa amin na ginawa din namin 'yon, at wala pong personalang nangyari. At alam ko pong at the end of the day, magkakaibigan pa rin kami (ng mga housemates)," huling pahayag ni Apey.

 

READ:Apey, naging emosyonal dahil sa sagot ni Fumiya

 

Sa media conference din ay sinabi ni Apey na gusto niyang ipagpatuloy ang karera sa pag-aartista, at kung pagbibigayan siya, may hiniling siyang role para sa una niyang proyekto. "Gusto ko yung parang kabit lang tapos maldita," biro ni Apey.