Abi Kassem at non-showbiz boyfriend, hiwalay na nga ba?

‘Sinet na lang namin na mag-focus na lang kami sa mga priorities namin,’ ani Abi Kassem nang tanungin kung sila pa ba ng non-showbiz boyfriend.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/7/2019 10:38 AM
Abi Kassem at non-showbiz boyfriend, hiwalay na nga ba?


Hinarap ng Pinoy Big Brother Otso Adult ex-housemate na si Abi Kassem ang press at sinagot ang mga isyu tungkol sa estado ng relasyon niya sa kanyang non-showbiz boyfriend. 

 

"Actually, noong na-evict ako, it took time na magkaayos kami pero naging okay kami. But then, pumasok ako ulit sa camp and then lumabas, sinet na lang namin na mag-focus na lang kami sa mga priorities namin lalo na ngayon, graduating kaming pareho," pahayag ni Abi sa naganap ng Star Hunt Grand media conference. 

 

Hindi man kinumpirma kung ganap na silang hiwalay, sinabi ni Abi na nakapokus sila ngayon sa kaniya-kaniyang career at pamilya.

 

 

 

Isa sa mga naging kontrobersiyal na housemate si Abi dahil sa isang episode na ipinalabas sa PBB kung saan ay inamin niya na may pagtingin siya sa co-housemate na si Andre Brouillette, kahit na kasalukuyan siyang may boyfriend sa labas ng bahay. 

 

READ; Netizens, hinangaan si PBB housemate Andre dahil sa advice kay Abi tungkol sa pagiging 'faithful'

 

READ: Did Abi Kassem and her boyfriend cool off after she confessed she has a crush on Andre?

 

Samantala, nilinaw din ng ex-housemate na walang alitan sa kanila ni Lou Yanong, ang girlfriend ngayon ni Andre.

 

"Yung mga sinasabi ng mga tao na magka-away kami (ni Lou), or may something na may issue sa friendship namin, hindi po iyon totoo. Kasi nung lumabas ako ng bahay siya rin po yung isa sa mga hinug ko at iniyakan ko bago ako lumabas," sagot ni Abi. 

 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Our big 4❤️

A post shared by Abi Kassem (@imabikassem) on

 

Noong Lunes, April 1 ay ipinakilala na rin ang bagong batch at ikalawang batch ng Teen Housemates ng PBB Otso. Patuloy na mapapanuod ang naturang reality show sa Kapamilya Gold at Primetime Bida.