• Home
  • Fresh Scoops
  • Direk Perci Intalan, naging ‘personal crusade’ ang paggawa ng LGBT-themed movies

Direk Perci Intalan, naging ‘personal crusade’ ang paggawa ng LGBT-themed movies

Direk Perci Intalan, idinetalye kung paano nakuha sina Paolo Ballesteros, Martin Del Rosario at Christian Bables para sa iisang pelikula.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/6/2019 10:56 AM
Direk Perci Intalan, naging ‘personal crusade’ ang paggawa ng LGBT-themed movies


Isa ang pelikulang The Panti Sisters sa napili ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) bilang official entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.

Ang The Panti Sisters ay ididirek ni Perci Intalan at ipo-produce ng Idea First Company na pinamamahalaan nila ni Direk Jun Lana. Bida sa pelikula sina Paolo Ballesteros, Christian Bables at Martin del Rosario.

Ibinahagi ni Direk Perci kung paano nila nabuo ang concept ng The Panti Sisters.

Aniya, “Naging personal crusade na namin after Die Beautiful na patunayang… kasi may mga nagsasabi sa amin, ‘Oh, LGBT film na naman ang gagawin niyo.’ Ang sagot ko, ‘Bakit pag love story na straight, okay lang kayo na paulit-ulit na marami, pero pag LGBT, parang iisang istorya lang. Eh ang lawak-lawak nun.

“Gusto ko talagang gumawa ng isang very mainstream na project. Tapos sabi ni Jun, ‘Ay, dapat magsama-sama yung tatlo.’”

Patuloy pa ni Direk Perci, “Kasi ang bongga ng feeling pag silang tatlo. Tapos ako, sige gawin natin. Tapos may nag-propose ng storyline. So, nung prinopose ni Ivan Payawal yung storyline, ‘Ay, maganda!’

“Tapos nag-open ng entries ang PPP. So, sabi namin, ‘Sige isali natin, baka sakali.’ So, we were really surprised na this soon gagawin na namin ito,”

Wala rin daw naging problema sina Direk Perci at Direk Jun para kunin sina Paolo, Martin at Christian sa pelikula.

“I'm very happy kasi silang tatlo kausap ko sila sa social media. So, si Martin tinanong ko, ‘Hoy, game ka ba or is it too soon for you?’ Sabi niya, ‘Hindi, sige game.’

“Next na tinanong ko si Paolo, ‘Pao, kung may project kayong tatlo nina Christian?’ ‘Oo naman.’ Ganun lang.
 
“Tapos si Christian ang ginawa ko dahil I want to follow protocol, kinontak ko muna si Tito Boy (Abunda, manager niya). Sabi ko, ‘Tito Boy, ipapaalam ko lang sa iyo, may io-offer kami kay Christian, okay lang ba sa iyo?’ ‘Ay, oo naman, basta sa iyo okay ako. Sige, I'll tell him.’

“Tapos si Christian na mismo ang kausap ko after that. Kaya alam mo lang pag tama yung project everything falls into place,” tuluy-tuloy na kuwento ni Direk Perci.

Kahit naman hindi siya ang magdidirek ng The Panti Sisters ay excited si Direk Jun sa pagsasama ng tatlong aktor sa kanilang pelikula.
 
“Excited ako ngayon kasi hindi ako magdidirek. So excited akong makigulo lang sa set dahil itong mga artistang ang saya nilang katrabaho. Hindi talaga namin inaasahan na magagawa agad namin ito eh.

“We were planning na pagsamahin sila, but it wasn’t until nung nai-pitch sa amin ‘yung concept ni Ivan Payawal. We were so excited about the concept.

“Ako, I strongly feel na it's going to work. I have a feeling na magiging masaya ang shoot na ito, magiging masaya ang proseso na ito para sa lahat," sambit ni Direk Jun