• Home
  • Fresh Scoops
  • Arjo Atayde, umamin na siya ang unang nag-fall kay Maine Mendoza

Arjo Atayde, umamin na siya ang unang nag-fall kay Maine Mendoza

Arjo Atayde, sinagot ang Fast Talk questions tungkol sa kanila ni Maine Mendoza.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

4/6/2019 10:30 AM
Arjo Atayde, umamin na siya ang unang nag-fall kay Maine Mendoza


Photo credit: @mainedcm IG (R)

Sa special edition ng segment na Fast Talk sa Tonight with Boy Abunda, sinagot ni Bagman star Arjo Atayde ang mga katanungan tungkol sa napapabalitang girlfriend niya na si Maine Mendoza. 

Ayon kay Arjo, mas clingy siya kesa kay Maine, pero pareho daw silang makulit. Sa tanong naman kung kelan pinakamaganda si Maine, ang sagot ni Arjo ay, “Everyday.” 

READ: Arjo Atayde on how he is as a boyfriend: ‘Clingy ako’

Una rin daw nag-fall ang aktor kay Maine at ang huling beses na nag-date ang dalawa ay “yesterday.”

Nang tanungin naman kung ano ang suot niya noong unang beses na bumisita siya sa bahay nila Maine, natuwa si Arjo at sinabing, “That’s a funny kuwento… but shorts and polo and a cap cause I wasn’t prepared.” Kelan naman kaya ipapakilala ni Arjo si Maine sa mga magulang. Ayon kay Arjo, “Soon.” 

“Dark” din daw ang mundo na walang Maine sa buhay ni Arjo. At kung bubuksan ang puso ni Arjo, ang makikitang pangalan ay “Maine.”