• Home
  • Fresh Scoops
  • What was Ogie Diaz’s reaction when Liza Soberano told him she could no longer play Darna?

What was Ogie Diaz’s reaction when Liza Soberano told him she could no longer play Darna?

Ogie Diaz shares advice to Liza Soberano.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/5/2019 11:24 AM
What was Ogie Diaz’s reaction when Liza Soberano told him she could no longer play Darna?


Photo credit: Ogie Diaz Facebook

Ogie Diaz admitted that he was saddened that Liza Soberano will not be able to play Darna anymore The actress revealed on Thursday that she will no longer push through with the project because of the fracture in her finger.

"Ako bilang co-manager kay Liza, nalulungkot ako. Kasi, bongga sana 'yung "Darna." Magiging bahagi sana ng history ng career ng aking alaga ang "Darna" na halos lahat ng aktres, gustong gawin 'yan," he wrote. 

Ogie stressed that Liza went through numerous specialists to have her injury checked. "Di naman nagpabaya ang ABS-CBN sa lahat ng pangangailangan ni Liza. Ilang specialista na din ang humawak ng kanyang finger injury, pero hanggang ngayon naman, hindi pa din kami nawawalan ng pag-asang maibabalik kahit paano sa normal ang lahat," he said. 

According to Ogie, Liza became emotional when she met him to consult him about her decision. 

"Umiiyak siya. Sabi ko, baket? Nahihiya daw siya sa akin at sa Star Magic at sa upper management na baka hindi na niya kayanin pang gawin ang Darna, dahil matatagalan pa nga ang complete healing ng kanyang daliri," Ogie posted.

The manager/comedian further shared, "'Magagalit ka ba, Tito Ogie, kung hindi ko na gagawin 'yung 'Darna'? Magagalit kaya sa akin sina Mr. M at Ms. Mariole (ng Star Magic)? Baka hindi na ako bigyan ng trabaho ng ABS-CBN kung hindi ko gagawin ang Darna. Paano na 'yung family ko?" Sabi ko talaga kay Liza, "Naisip mo pa talaga 'yan, nak? At least, nak, iniisip mo pa rin ang iisipin ng ibang tao at 'yung magiging consequence ng ginawa mo. Ibig sabihin, nagwo-worry ka para sa kanila. Hindi ka selfish. Maganda 'yang ganyang attitude mo."

Ogie told Liza that everything happens for a reason. "Pupuwedeng hindi ka nga nadisgrasya, at itinuloy mo nga ang Darna, and while shooting Darna, du'n ka naman naaksidente nang malala o baka ikinamatay mo pa during stunts or 'yung naka-harness ka. Ang ginawa lang ng Diyos, sa daliri ka lang niya pinadaplisan."

He also shared to the actress how he was able to meet his wife when he was doing stand-up comedy before when he could not get a job in ABS-CBN.

"Sa palagay mo, anak, kung hindi ako nawalan ng show noon sa ABS, mami-meet ko siya? Hindi. Kasi kung may show ako noon, baka hindi rin ako pumasok bilang stand-up comedian.

"Ibig kong sabihin, pag may nawawala, may dumarating. Kapag hindi ukol, hindi bubukol. Kapag para sa 'yo, para sa 'yo. At maniwala ka, marami pang darating na opportunity sa 'yo. Kasi, talented ka, mahusay kang umarte, mabait ka at mabuti kang tao, kaya hindi ka pababayaan ni Lord," Ogie posted.

See post below: