Sylvia Sanchez, patagong tumutulong sa mga nangangailangan

Isang drama-comedy ang inaasahan na pagbabalik telebisyon ni Sylvia Sanchez.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/5/2019 12:36 PM
Sylvia Sanchez, patagong tumutulong sa mga nangangailangan


Photo credit: @sylviasanchez_a on Instagram

All smiles ang Kapamilya actress na si Sylvia Sanchez sa naganap na renewal nang kanyang kontrata sa Beautederm Corporation.

 

Dito, masayang nagbigay update si Sylvia sa kanyang upcoming Kapamilya teleserye kung saan makakasama niya si Joey Marquez, Arci Muñoz, at JM De Guzman.

“Yes ongoing na ang teleserye with JM De Guzman, Arci Muñoz tapos asawa ko si Joey Marquez. May walo akong anak dito, istorya ulit ng pamilya. From lima sa The Greatest Love, ’this time walo na at may iba-ibang problema,” tugon ni Sylvia sa panayam ng press.

Kuwento ng aktres, extra special ang mga biyaya na ito para sa kanya kaya hindi na din bago sa kanya ang mag-balik tulong para sa mga taong nangangailangan.

“Sobra sobra at thankful. Masasabi ko din na ang mga ginagawa ko sarili ko nalang at hindi ko na kailangan pa ipa-diyaryo at hindi ko na kailangan pang ipaalam sa inyo,” ani Sylvia.

“Basta ako I’m always ‘me and my God,’ ganun ako. Kaya masasabi ko na sobrang thankful ako dahil may endorsements ako, may bago akong teleserye. Happy na ako,” pahayag pa niya.

Inaasahan na sa kalagitnaan nang 2019, mapanuod ang pagbabalik teleserye ni Sylvia sa ABS-CBN.