Sylvia Sanchez is looking for her biological father

Sylvia Sanchez, hinahanap ang biological father na more than 30 years nang hindi nakikita.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

4/5/2019 1:42 PM
Sylvia Sanchez is looking for her biological father


Sa ulat ng TV Patrol, patuloy ang paghahanap ni Sylvia Sanchez sa biological father na ayon sa ulat ay inabandona sila ng nanay niya noong bata pa lang siya. Katulong ng aktres sa paghahanap si dating deputy administrator Arnell Ignacio at iba pang mga opisyal ng Overseas Workers Welfare Administration.

Ayon pa sa ulat, more than 30 years na simula nang mawalay ang ama ni Sylvia sa kanila ng kanyang nanay. “Tutulungan daw nila akong hanapin ang tatay ko kasi grade five pa ako nawala na siya e. (Ang pangalan niya ay) Roberto Lagura Campo. Hanggang ngayon hina-hunting ko siya sa Facebook, hindi ko talaga makita,” ani Sylvia.

Gusto daw kumpirmahain ni Sylvia ang balita kung totoong nasa Brazil ang ama niya na dating marino.

Ayon pa kay Sylvia kung bakit gusto niyang hanapin ang ama, “May part ng puso ko na kulang e. Alam mo yun kahit gaano ka ka-successful. Tatay ko lang ang makakapagpuno sa kaligayang nararamdaman ko.”

Bukod kay Sylvia, mas umaasa ang nanay niya na makikita pa ang nawawalang ama ni Sylvia. “Gusto kong makita buhay o patay… ang pinakakailangan ng closure dito ang nanay ko. Kasi ang nanay ko hanggang ngayon umaasa.”