• Home
  • Fresh Scoops
  • Sophia Reola, ibinahagi kung paano nakuha ang role bilang si Mikmik sa ‘Nang Ngumiti Ang Langit’

Sophia Reola, ibinahagi kung paano nakuha ang role bilang si Mikmik sa ‘Nang Ngumiti Ang Langit’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

4/5/2019 12:29 PM
Sophia Reola, ibinahagi kung paano nakuha ang role bilang si Mikmik sa ‘Nang Ngumiti Ang Langit’


Proud at masayang masaya ang child star na si Sophia Reola sa bagong biyaya na ipinagkaloob sa kanya ng ABS-CBN.

Si Sophia ang bagong bituin na napapanuod araw-araw bilang si Mikmik sa morning teleserye na Nang Ngumiti Ang Langit.

Bago nakuha ang lead role sa teleserye, napanood muna sa Goin’ Bulilit si Sophia. Kuwento niya hindi niya makakalimutan ang kanyang naging audition bilang Mikmik.

“Nag-audition lang po ako sa ABS (CBN). Kasama po si Crystal doon. Siguro po medyo may nakita po sila,” kuwento niya.

Namaalam man ng maaga ang role ni Kaye Abad sa serye, hindi makakalimutan ni Sophia ang kanyang mga natutunan sa kanyang Ate Kaye. Tungkol naman kay Cristine Reyes na umaapi sa kanya ngayon, kuwento ni Sophia inakala niya na masungit talaga si Cristine.

“Kasi po noong una akala ko susungitan po niya ako tapos kapag nag-hi po ako hindi siya magsasalita. Pero yun po pala mabait po pala siya,” sabi pa ni Sophia.

Napapanuod araw-araw ang Nang Ngumiti Ang Langit bago mag It’s Showtime.