• Home
  • Fresh Scoops
  • PANOORIN: Jericho Rosales at Sam Milby, sumabak sa Binatang Pilipino challenge

PANOORIN: Jericho Rosales at Sam Milby, sumabak sa Binatang Pilipino challenge

Kasama ang aktres na si Yam Concepcion, nagkatuwaan ang mga aktor habang nasa set ng kanilang primetime series na ‘Halik’.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/5/2019 4:44 PM
PANOORIN: Jericho Rosales at Sam Milby, sumabak sa Binatang Pilipino challenge


Photo credit: @yamconcepcion on Instagram

Nag-viral ang mga aktor na sina Jericho Rosales at Sam Milby matapos nilang sumabak sa ‘Binatang Pilipino Challenge’.

Sa post ng aktres na si Yam Concepcion sa kanyang Instagram Stories nitong Biyernes, Abril 4, game na game sina Jericho at Sam na subukan ang bagong nauusong online challenge habang naka-break sa set ng kanilang primetime series na Halik.

Nauna nang nagpatawa si Yam at ang kanyang “sissy” na si Nina Dolino sa kanilang “Dalagang Pilipina Challenge” noong Huwebes, Abril 4.

Panoorin ang buong video dito:

Compiled videos credit to: @yamconcepcion IG