• Home
  • Fresh Scoops
  • Miss Earth beauties, nagbigay patikim sa mga dapat abangan sa Miss Earth Philippines 2019

Miss Earth beauties, nagbigay patikim sa mga dapat abangan sa Miss Earth Philippines 2019

Sa Hulyo ipapasa ni Silvia Celeste Cortesi ang korona ng Miss Earth Philippines

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/5/2019 12:32 PM
Miss Earth beauties, nagbigay patikim sa mga dapat abangan sa Miss Earth Philippines 2019


All smiles ang former Miss Earth beauties na sina 2017 Miss Earth Philippines Fire Nellza Bautista at 2018 Miss Earth Philippines Fire na si Jean De Jesus sa naging panayam ng PUSH tungkol sa mga dapat abangan sa muling pag arangkada ng Miss Earth Beauty Pageant ngayon taon.

 

“The competition is really fierce. This year is different compared to the previous year, this will be I think more bongga and pasabog,” tugon ng 2018 Miss Earth Philippines Air Jean De Jesus sa opening ng bagong Bio Essence branch.

Aniya, kasado na ang ilang kandidata na bubuo sa Miss Earth pageant na gaganapin ngayong Hulyo.

“Yes, we are still searching for candidates right now. I think we are about 95 percent done for our coronation night this coming July,” sabi pa niya.

Ang 2017 Miss Earth Philippines Air naman na si Nellza Bautista nagbigay payo pa sa upcoming season ng Philippine based pageant.

“I think they just have to be true to their self, and of course to their advocacy, to continue the legacy of Miss Philippines Earth in taking care of our environment,” sabi pa niya.

Nagtapos man ang kanilang reign, patuloy pa din na pinag-aaralan ng Miss Earth beauties ang pagsabak muli sa iba pang beauty pageant.