• Home
  • Fresh Scoops
  • Matet De Leon: ‘Di bale nang ganito ang noo ko, pero ganito ang mukha ko’

Matet De Leon: ‘Di bale nang ganito ang noo ko, pero ganito ang mukha ko’

Matet De Leon, may fierce message sa mga bashers niya.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

4/5/2019 1:15 PM
Matet De Leon: ‘Di bale nang ganito ang noo ko, pero ganito ang mukha ko’


Sa Tonight with Boy Abunda, masayang nag-share si Matet De Leon kung gaano siya ka-close sa mga kapatid niya. Ani Matet, “Sila yung mga taong hindi talaga ako huhusgahan. And if ever they do judge me… okay lang sa akin.”

WATCH: Matet De Leon is very proud of her mom Nora Aunor

Ani Matet, nagkikita sila sa bahay ng kapatid na si Lotlot De Leon once a month at ayon kay Matet, “Napakagulo po namin lalo na pag nandiyan si Kuya.”

At sa mga kapatid daw niya ang matabil ay si Lotlot, “si Ate Lot matabil, (siya yung nagsasabing) hindi maganda ang suot mo… yung arte mo dun sa ano kulang.”

Kuwento pa ni Matet tungkol sa kanila ng Ate Lotlot niya, “Nag-aaway kami niyan ni Ate Lot dahil inayos niya ang buhok ko. Gusto niya ako lagyan pilit ng bangs. Sabi ko hindi malaki ang noo, ‘wag mong ipilit sa akin na malaki ang noo ko.”

Dagdag pa ni Matet na isang komedyante rin, “Opo ewan ko nga kung saan nanggagaling yun… ayun nag-away kami. Pero nailagay din yung bangs. Ate siya e.”

May mensahe rin si Matet sa mga nanunukso sa kanya na malaki ang noo niya. “Alam ko pong maganda ako. Dun sa mga nanunukso sa akin na ang laki ng noo mo. Di bale nang ganito ang noo ko pero ganito ang mukha ko, maganda. Kesa meron ako nung noo mo, tapos nung mukha mo.”

Masaya din daw si Matet na binabansagan siyang Pambansang Best Friend ng mga tao dahil ibig sabihin naa-appreciate nila ang pag-arte niya.

READ: Showbiz royals KC Concepcion and Matet De Leon do their first movie together