Jessy Mendiola, nakaranas ng depression dahil sa heartbreak

Jessy Mendiola says it’s important to take your time when battling depression

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

4/5/2019 1:19 PM
Jessy Mendiola, nakaranas ng depression dahil sa heartbreak


Photo credit: @senorita_jessy on Instagram

Sa isang video ng lifestyle.abs-cbn.com, kinuwento muli ni Jessy Mendiola kung papaano niya pinagdaan ang depression.

Ayon kay Jessy, ang cause ng depression niya ay may kinalaman sa pag-manage ng weight. “I just started gaining weight… nagsimula ako as sexy actress… people would always expect you to be sexy or magpakita ng skin…”

Pagpapatuloy niya, “I started to get depressed… I started to get covering myself up even when going to the beach hindi ko kayang mag-swimsuit. Palagi akong naka-cover up… kahit nasa dagat ako…”

Araw-araw din daw nagtsi-check ng timbang ang aktres pero hindi ito bumababa kaya nadagdagan pa ang nararamdaman niyang depression. Mula dito, nagsimula na rin magtago si Jessy mula sa publiko at mga mahal niya sa buhay. “I didn’t want to go out. I started hiding from my friends. I started turning down work. I didn’t want to get seen on TV. I didn’t want to post any picture online,” ayon kay Jessy.

Iniwasan din daw ni Jessy yang mga relatives niya pati na mga get togethers dahil ayaw niyang kumain.

READ: Jessy Mendiola admits she suffered from a serious eating disorder

Rebelasyon ng aktres, heartbroken siya noon. “I was very emotional at that time and heartbroken ako nung time na yun and mas nakadagdag pa yun.” 

Noong panahon daw na yun ay nagsisimula pa lang ang bashing kung kaya malaki ang epekto sa kanya kahit makabasa lang siya ng isa o dalawang negative comments. “Hindi pa uso ang bashing, 2012. Pero nagsisimula na siya,” sabi ni Jessy.

Pagbabalik tanaw ni Jessy, nanalo pa siya ng FHM’s sexiest noong 2016 na ikinagulat daw niya. “Still baffles me how I won and why. I won at that time I was still insecure about myself. Na whenever people interview me, I would try to answer fiercely or get into a character na hindi ako.”

Dahil daw dito ay lalo siyang na-bash. Hanggang sa fast forward at dumating daw si Luis Manzano sa buhay niya pero hindi naman dito huminto ang mga pamba-bash sa kanya.

Ganunpaman, sa mga naunang interview ni Jessy, vocal siya na positive influence si Luis sa buhay niya at malaki ang naitulong ng host at boyfriend sa pag-heal niya.  

READ: Jessy Mendiola on relationship with Luis Manzano: ‘Nabago niya yung napakagulo kong buhay’

Pero ano nga ba talaga ang nagbago talaga ng buhay ni Jessy? Ani Jessy, “I started focusing more sa personal life ko… That’s when I realized I have more than enough to turn my life around. I have my family, I have my friends, I have Luis.” 

Pagpapatuloy niya, “Why should I keep going like this? Why should I even listen to people who don’t even know me… It’s like you give so much control to them over you. I started drowning out the noise. I started listening more to myself and to the people that I love.” 

Hindi din daw niya minadali ang pag-overcome sa depression niya. “Recovering, it was really hard but I took my time… Yung healing period talaga, sobrang importante yun. It doesn’t matter how long it takes you… kahit pa years yan.” 

Pagtatapos ni Jessy, “I could honestly say that I’m in a better place now.” 

WATCH PUSH No Filter: Jessy Mendiola on accepting her figure and dealing with bashers