• Home
  • Fresh Scoops
  • Gary Valenciano, nananatili ang suporta sa kaibigang si Jim Paredes

Gary Valenciano, nananatili ang suporta sa kaibigang si Jim Paredes

Sa kabila nang intriga at matinding bashing, isang kaibigan pa din si Gary Valenciano para kay Jim Paredes.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/5/2019 12:42 PM
Gary Valenciano, nananatili ang suporta sa kaibigang si Jim Paredes


Photo credit: The Filipino Times (L)

All out ang naging performance ni Mr, Pure Energy Gary Valenciano na kanyang patikim sa press sa naganap na media conference ng kanyang upcoming US tour.

 

Kuwento ni Gary, may go signal na lahat ng kanyang duktor ang kanyang muling paghataw at pag-tour sa ibang bansa na kanyang pinaghahandaan ngayon:

“I feel a lot better, I feel so much better, as in. Kung ano ang sinabi ng mga duktor noon na mas lalo pa ako lalakas, naniniwala ako and I’m feeling it now,” aniya sa panayam ng press.

Kasama rin sa binigay na update ni Gary ang status ng kanyang kidney na nagka-dipirensya   noong nakaraang taon.

“And I’m proud to say when I went for my annual check up which was last January, I’m (doctor said) okay. I’m cancer free,” proud na kuwento ni Gary.

Sa naging kuwentuhan, hindi din naiwasan na mapag-usapan ang kapwa OPM artist na si Jim Paredes na dumadaan ngayon sa matinding pang iintirga.

READ: Jim Paredes owns up to his mistake; admits authenticity of sex video

Aniya, nanatiling kaibigan si Gary para kay Jim lalo na sa mga ganitong pagkakataon.

“Nalungkot ako sa nangyari sa kanya. Kung walang mga katulad ko na magsasabi sa kanya na I’m still here for him, sino pa?” pahayag pa ni Gary.

Simula ngayong April 12 hanggang April 28, lilibutin ni Gary ang Amerika kasama sina Katrina Velarde at Jona.