Sino ang susunod na Darna? Star Cinema, naghahanap na

Matapos magbitiw ni Liza Soberano sa role na Darna, marami ang nagtatanong, sino ang papalit sa kanya?

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/4/2019 10:26 PM
Sino ang susunod na Darna? Star Cinema, naghahanap na


Photo credit to: @iammajasalvador, @nadine and @piawurtzbach on IG

Matapos bitawan ni Liza Soberano ang pagganap bilang Darna, muling binuksan ng ABS-CBN Film outlet na Star Cinema ang paghahanap ng bagong aktres para sa matagal nang inaabangang movie remake ng Darna. 

READ: Liza Soberano, hindi na matutuloy sa pagganap bilang Darna

Sa statement na inilabas ngayong araw, sinabi nito na magpapatuloy ang preparasyon para sa inaabang Super heroine movie remake, at kasama na rito ang paghahanap ng bagong aktres. 

"Meanwhile, the preparation for the "Darna" movie continues as ASB-CBN and Star Cinema remain fully committed in telling the well-loved story of the Filipina superheroine and have started the selection process for the new actress who will bring the iconic character to life on the big screen," ayon sa statement.

 

 

Habang naghihintay ng kasunod pang anunsyo, maraming netizen naman ang nagbigay ng kanya-kanyang suhesyon kung sino ang kayang gumanap bilang Darna. Nariyan ang mga pangalang Nadine Lustre, Maja Salvador, Pia Wurtzbach, at ilan pang Kapamilya celebrities.